Ginanap na ang pinakahihintay na finals night ng 1st TOFARM songwriting competition sa Samsung Hall ng SM Aura, Taguig City.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng mga sponsor at media partner nito at isa na nga dito ang Net 25 at Pinas FM 95.5.

Sa naganap na final night, nagpakitang gilas ang sampung interpreters na siyang nagbigay buhay sa mga kantang kalahok ng sampung songwriters.

Ang tema ng songwriting contest ay “Planting the Seeds of Change.” Tampok ang ibat- ibang genre  tulad ng folk, acoustic, rock, rap, jazz, R&B, country, Pop, inspirational at fusion songs.

Itinanghal bilang 3rd place winner ang kantang “Magtanim ng Bago” ni Lj Manzano na ininterpret ng Ben&Ben kasama si Mr. Boboi Da na nakakuha rin ng “People Choice Award”.

(Visited 54 times, 1 visits today)