Jason Dy, matagumpay ang first major concert

Successful ang ginawang concert ni “Jason Dy” na ginanap nuong Sabado (Sept. 17) sa skydome ng SM North EDSA.

Dinumog ng napakaraming tao lalung lalo na ng kaniyang mga supporters ang naturang concert.

Ang concert ay may pangalan na “Breaktrough” dahil ito ang kaniyang kauna-unahang concert pagkatapos na tanghaling grand winner sa pangalawang season ng The Voice of the Philippines.

Isang Pinoy, tampok sa South Korean disaster film na “The Flu”

Dahil sa sucessful ng pelikulang “Train to Busan” naging viral sa social media ang isang pelikula ng south korea na “The Flu”.

2013 pa nagawa at ipinalabas ang “The Flu” sa South Korea na pinagbibidahan nina Jang Hyuk at Soo AE. Isa itong disaster film na sinulat at dinerek ni Kim Sung-Su.

Ang isang karakter dito ay ginampanan ng isang Pinoy. Si Lester Avan Andrada na ginampanan ang mahalagang karakter ni “Mossai”, isang asyano na nagtataglay ng anti-body na maaaring lumutas at maging mabisang gamot laban sa kumakalat na deadly strain na “H5N1”.

Jennylyn Mercado, bumisita sa Pinas FM; nag-promote ng bagong album na “Ultimate”

Sa pagbisita niya sa Pinas FM 95.5, masayang ibinalita ng award winning at versatile actress na si Jennylyn Mercado ang kaniyang bagong labas na album. Ito ang kaniyang pang-anim na studio album at ito rin ang kaniyang unang album mula bago niyang record label na “Ivory Music & Video”.

Ayon kay Jennylyn, first love talaga niya ang music.

Sa pagkakataong ito ay bagong tunog at musika aniya ang mapapakinggan dito mula sa kaniya.

Biopic at historical drama na “Hermano Puli,” pagbibidahan ni Aljur Abrenica

Binigyang-buhay ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, gayundin si Emilio Aguilando, Andres Bonifacio at nakaraang taon lamang ay kay Heneral Luna.

At sa pagkakataong ito, ang buhay at kabayanihan ni Hermano Puli naman ang ating mapapanuod sa big screen sa pelikulang “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli.”. Ang karakter ni “Apolinario dela Cruz” o mas kilala sa tawag na “Hermano Puli” ng magaling na aktor na si Aljur Abrenica. Ito ay sa direksyon ni direk Gil Portes.

Sa panulat ni Enrique Ramos, nabuo niya ang kuwento ni Hermano Puli.

1ST TOFARM song-writing competition, inilunsad

Si Dr. Milagros How ang dahilan ng matagumpay na kauna-unahang “TOFARM Film Festival” dito sa Pilipinas at pagkatapos nga ng matagumpay na film fest ay nais naman niya ngayong subukan ang isang song-writing competition.

Ito ay upang mas lalong mapayabong ang kanyang adbokasiya na bigyang-pugay ang mga magsasakang Pilipino. At sa pagkakataon namang ito ay sa pamamagitan ng musika.

“Migz and Maya,” mga bagong mukha sa local music industry

May mga bagong mukhang aabangan ang fans ng local music industry . Sila ay sina Migz Haleco at Maya Flores, mga bagong dagdag sa roster of artists ng PPL entertainment.

Nakitaan ng malaking potential sina Migz at Maya, kung kaya’t binuo sila at ginawang duo.

Si Migz ay 21 years old, tubong Cavite, former contestant ng Talentadong Pinoy, Nag-aaral ng music production sa college of St. Benilde at isang Youtube sensation.

Active din siya sa social media na kung saan nag-gagather siya ng napakaraming mga followers and views.

Samantala, si Maya ay isang member of Pan-Asian girl group na “Blush,” na may members from China, India, Japan, Korea, at Pilipinas. Ilang singing competition na rin ang kaniyang nasalihan tulad ng Star for a Night at napabilang din sa mga finalist ng Pinoy idol noong 2011.

“Ako si Josephine: A musical featuring the music of Yeng Constantino,” nagbukas noong Setyembre 8

Chinito , Jeepney love story , Siguro,  Hawak Kamay,  ilan lamang yan sa mga napasikat ng pop rock superstar na si Yeng Constantino.

Kitang kita ang kaligayahan kay Yeng dahil finally ay mapapanuod na ang much awaited pinoy musical na ako si Josephine: ito ay ang musical play na bagong handog ng PETA, sa produksyon ng Cornerstone Entertainment na tampok ang mga hit songs at napasikat ng pop rock superstar.