Siyam na pelikula, ikino-konsidera para sa Oscars

Siyam na mga pelikula na ikinokonsider para maging opisyal na entry ng Pilipinas sa 2017 Academy Award’s Best Foreign Language DILM Category.

Si direk Edgardo ‘Boy’ Vinarao ang head ng selection committee habang kabilang naman sa miyembro sina direk Jose Carreon, direk Mike Sandejas, scriptwriter Ed Rocha, cinematographer Lee Meily, aktor na si Michael de Mesa, at  award winning aktres na si Cherie GIL.

Kailangang naipalabas ang PH film entry nang hindi bababa sa pa sa pitong araw o isang linggo mula October 2015 hanggang September 2016.

Maestro Ryan Cayabyab, may bagong musika kasama ang “Ryan Cayabyab Singers”

Sa ika-siyam na taon  ng “The Ryan Cayabyab Singers” sa music scene. Bagong musika muli ang hatid nila sa ating lahat.

Nasasabik na rin umano si Maestro Ryan Cayabyab dahil ilang taon na din siyang hindi gumagawa ng mga sariling kanta dahil sa pagtulong at pagsuporta sa ibang mga bagong umuusbong na kompositor, sa binuo niya song-writing competition na PHILPOP at maging ang song-writing workshop niya na elements.

Pambansang Almusal : Chadleen Lacdo-o in the US Capitol

Pambansang Almusal with Davey Langit, Aikee, Nikki Veron Cruz, Apple Chiu, Kyle Nofuente, Chef Tristan, Kath, Carmi, Regine Angeles, and Richard Quan.

Weekdays 6am-7am at NET 25

Like us on facebook: https://www.facebook.com/PambansangAlmusal
Twitter: https://twitter.com/palmusal

Watch online on: http://www.eaglebroadcasting.net/net25tv

Pelikulang Area na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas, magkakaroon ng world premiere sa Kazakhstan

Noong una ay sa director nilang si Louie Ignacio at sa co-actress niyang si Sue Prado ang nagbida sa husay ni Ai Ai.

Gayundin ang award winning actor na si Allen Dizon ay nagpahayag ng papuri kay Ai Ai. Ayon sa kanila,ngayon lang nila nakita si Ai Ai sa sa isang serious drama film at nailayo talaga niya nang husto ang sarili bilang isang magaling na komedyante.

Ang pelikulang Area ay ukol sa isang lugar sa Angeles City na tinatawag na Area.

Magkakaroon ito ng world premiere bilang film in competition sa EURASIA international film festival sa Almaty, Kazakhstan. Sa Setyembre 24 hanggang 30 ang nasabing international film fest.

Precious pelikula, binubuo ng anim na short films

Bagong handog ng Precious Heart Romances ang kumpetisyon ng “Precious Pelikula.”  binuo nila ang programang ito upang magbigay ng pagkakataon sa mga bagong umuusbong at amateur na na mga film maker na buhayin ang mga gawa ng ilang  kilalang writer ng precious pages sa ating bansa.

Music video ng tahanan ni Aikee At Davey Langit, lumabas na

Samantala, masayang ibinabalita ni Aikee SA ating lahat na lumabas na ang music video para sa latest single niya ngayon na “Tahanan”.

Sa awiting ito ay naka-collaborate din ni Aikee ang matalik niyang kaibigan and co-host na si Davey Langit. Ang dalawa ay kilala sa tawag na koolit-tandem.

Limang magagaling na aktor, nagsama-sama sa isang stage musical play

 

Exciting ang stage play na dirty old musical na pinagbibibidahan nina John Arcilla, Nonie Buencamino, Ro­bert Seña, Michael Williams at Ricky Davao. Dito lahat sila kumanta.

Pinagsama-sama ang top-caliber stage performers sa isang clean and wholesome fun show, dom na first time nangyari.

Iikot ang kuwento nito sa grupong The Bench Boys, isang all-male ‘80s group na na-disband dahil sa personal issues. After several decades, naisipan nilang magkaroon ng musical reunion.

Freestyle Kitchen : Laing express topped in crusted tilapia

Pambansang Almusal with Davey Langit, Aikee, Nikki Veron Cruz, Apple Chiu, Kyle Nofuente, Chef Tristan, Kath, Carmi, Regine Angeles, and Richard Quan.

Weekdays 6am-7am at NET 25

Like us on facebook: https://www.facebook.com/PambansangAlmusal
Twitter: https://twitter.com/palmusal

Watch online on: http://www.eaglebroadcasting.net/net25tv

Pinay singer na si Michelle Ayalde, naglabas ng International album na “Hypnotic”

Nagbalik bansa ang kilalang biritera at dating  tv singer para i-promote ang kanyang international album na Hipnotic.

Napakasaya ni Michelle sa kanyang pagbabalik bansa dahil bukod sa bakasyon balik entablado rin siya para ibahagi ang kanyang bagong album sa Pinoy fans. Ang self-titled at huling album na ginawa ni Michelle sa Star Music ay noong taong 2005 pa.

Pagkatapos ng promotion ng kanyang album dito sa Pilipinas, balik Malaysia si Michele para sa kanyang commitment as lead singer ng Cash Band.