“Divas live in Manila” concert tuloy na tuloy na: Rachelle Ann Go, ‘di makakasama

Ang kaniyang version ng “Isang Linggong Pag-ibig”. Ang rendisyon niya ng “Till I Met You”. Ang original song niya na “Ikaw”. At ang pagbirit niya sa “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin”. Iyan ang mga pasample ng apat na mga diva na sina Yeng Constantino, Angeline Quinto, KZ at Kyla na magsasama-sama sa iisang stage dahil sa kanilang concert.

Bagaman nabawasan sila ng isa dahil sa pagpull out kay Rachelle Ann Go sa naturang concert ay tuloy na tuloy na rin ito.

Noong una ay lima kasi sila talaga, marami ang nanghinayang at hindi makakasama sa kanilang apat si Rachelle Ann.

Malungkot man ang apat ay idinaan na lang nila sa pabiro ang sagot nang matanong kung bakit hindi nakasama si Rachelle Ann.

“Philippine-Korea Cultural Exchange Festival 2016” layunin ang matibay na ugnayan ng mga Pilipino at Koreano

Matagumpay ang ginawang “Philippine-Korea Cultural Exchange Festival” ng taong ito.

Ito ang ikatlong pagtakbo ng “Philippine-Korea Cultural Exchange Festival” sa bansa na inorganisa ng Korean cultural center.

Ginanap ito sa tanghalang Nicanor Abelardo, ang main theater ng Cultural Center of the Philippines o CCP at dinaluhan ng mga Korean citizens at mga kababayan nating Pilipino.

Premiere night ng “The Escort,” matagumpay!

Ginanap na ang premiere night ng pelikulang bagong handog ng Regal Films na “The Escort”. Dalawa ang naging premiere night ng magkasunod ng pelikula.

Bago pa man maglakad sa red carpet ay nakausap na natin ang dalawang lead cast ng “The Escort” at ganun na sila ka-excited nang mapanuod ang kanilang pelikula.

LANDMARKS in Philippine Museum this Sunday at 6pm on NET25

Ngayong linggo sa Landmarks, tara at samahan ninyo kami sa aming pagbisita sa iba’t ibang museums dito sa Pilipinas! Mapa-historical, cultural o kaya naman ay artistic, bawat isa ay merong pambatong exhibit! Museum-hopping tayo this week sa Landmarks!

Phone patch interview with with Atty. Francis Tolentino

Pinag-aaralan ngayon ng kinauukulan ang hakbang na gagawin matapos matuklasan na nagamit ang Voters Counting Machine na isinauli sa SMARTMATIC.

Ayon sa kampo ni  Atty. Francis Tolentino, pinag-aaralan nila ang kanilang susunod na hakbang matapos isauli ng Commission on Elections  o COMELEC sa Smartmatic ang nasa higit isang libong  VCM na ginamit noong nakaraang May 2016 elections.

Sa panayam ng programang Saganang Mamamayan,  sinabi ni Tolentino na inilipat ang nasabing mga VCM sa kabila ng naunang preventive order ng Senate Electoral Tribunal o o SET.

Sa 1,400 VCM na isinauli sa Amartmatic, lumabas sa isinagawang proseso ng paglilipat na nasa 117 ang nasumpungang may lamang SD card.

 

TVK season 3 kids, magkakaroon ng grand fans day sa Biyernes

Dito, ibinalita naman nina Justin Alva at ang TVK season 3 grand winner na si Joshua Oliveros ang kanilang album at ang gaganapin nila grand fans day sa Biyernes.

Ginunita nila ang mga naituro ng kanilang mga coach sa naturang nationwide competition.

Birthday and benefit concert ni Krissha Viaje, sa Oktubre 29 na!

Sa kaniyang pagbisita sa Pinas FM 95.5 ay puno ng excitement niyang inimbitahan ang mga listeners sa kaniyang concert na gaganapin sa Sabado (Oct. 29) sa Urban, Quezon City.

Masayang ibinalita ng girltrend member na si Krissha Viaje ang kaniyang nalalapit ng concert.

News anchor Onin Miranda, pinarangalan bilang most promising broadcaster for TV and radio

Muling nagbigay ng pagkilala ang gawad Sulo Foundation para sa mga natatanging organisasyon at indibidwal.

Kabilang sa mga pinarangalan ng prestigious seal awards ang kasama natin sa Eagle Broadcasting Corporation na si Onin Miranda bilang most promising broadcaster for tv and radio.

Ito na ang ika-apat na taon ng gawad Sulo Foundation awards sa pagbibigay ng pagkilala sa mga natatanging organisasyon at indibidwal mula sa iba’t-ibang larangan tulad ng business, education, entertainment at mass media. Na nagpakita ng dedikasyon upang magsilbing ilaw sa lipunan.

Ginanap ang awards night sa tanghalang pasigueno sa lungsod ng Pasig.

Derek Ramsey at Lovi Poe, magtatambal sa pelikulang “The Escort”

Isa nanamang pelikula ang handog ng Regal Films ngayong darating na Nobyembre.

Kakaiba nanamang istorya at mga eksena ang matutunghayan umano dito.

Ang pelikulang “The Escort” na pagtatambalan nina Derek Ramsey, Lovi Poe at Christopher de Leon. Sa direksyon ni Enzo Williams.

Gagampanan ni Lovi ang karakter na si Yassi, isang sekretarya ng Escort company.

Ikinatuwa naman ni Lovi ang pagaalaga at pagaalalay sa kanya ng mga staff at crew ng pelikula, at maging  ng mga katrabaho niya sa harap ng camera.

Dream come true rin daw para kay Lovi ang makatrabaho ang mga co- stars nya na pinapangarap lang umano nya noon.

Guji Lorenzana, napanuod muli sa “Rediscover Concert”

Ang “Rediscover Concert” na binubuo nina Guji Lorenzana, Marq Dollentes, Jane Joseph at Steven Ofori.

Nagbabalik sa pagkanta ang singer-aktor at host na si Guji.

Hindi na bago sa pagpe-perform onstage at sa pagkanta si Guji dahil dito siya nagsimula at binabalikan lang niya ang talento sa pagkanta.

Bukod sa concert, isang music album din ang pinagkaka-abalahan ngayon ng aktor na mas magpapatingkad pa sa kanyang music career.

Sa concert, kinanta nila ang iba’t ibang mga classical songs at mga rendisyon nila ng maraming opm songs.

Ginanap ang dalawang gabi ng “Rediscover Concert” ng apat sa music hall ng Metrowalk, Ortigas.