Ruru Madrid, celebrity guest sa MOMents with Gladys Reyes ngayong Sabado

Ayon kay Ruru, matagal na niyang pangarap na makapag-guest sa programa ni Gladys, kaya’t hindi na niya pinalampas ang pagkakataong ito.

Nakasama rin niya sa episode ang kaniyang kapatid na si Rere Madrid.

Ikinuwento  ni Ruru ang kaniyang pagsisimula sa show business. Mapapanuod ang kabuuan nito sa “MOMents” ngayong Sabado, alas-syete ng gabi at mayroong replay sa Linggo ng alas-dos ng hapon.

 

Pelikulang “Area” naging closing film ng QCinema, mapapanuod na simula Nobyembre 9

Ang pelikula ni direk Louie Ignacio na Area ang naging closing film ng QCinema International Film Festival 2016.

Dumalo ang buong cast ng pelikula na pinangungunahan nina Ai-Ai delas Alas at Allen Dizon kasama ang kanilang direktor na si Louie Ignacio.

Ang naturang event na rin sa QCinema ang naging kauna-unahang Philippine premiere ng Area since hindi pa naman ito naipapalabas sa mga sinehan magmula nang manalo ito ng Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival na ginanap sa Kazakhstan nung Septyembre 30.

Matagal nang dream role ng comedy-concert queen ang role niya sa pelikula kaya laking pasasalamat niya sa BG Productions International na ibinigay sa kanya ang role ni Hilary.

 

Landmarks​ in Philippine Museum

Tara at samahan ninyo kami sa aming pagbisita sa iba’t-ibang museums dito sa Pilipinas! Mapa-historical, cultural o kaya naman ay artistic, bawat isa ay merong pambatong exhibit! Museum-hopping tayo sa Landmarks!

Catch Landmarks every Sunday at 6pm on NET 25.
You can also watch online at www.net25.tv

 

Pelikulang “Mulat” ni Jake Cuenca, mapapanuod muli sa big screen simula sa November 2

Mapapanood na ang pelikulang binigyang pagkilala sa International Film Festival, ang Mulat o Awaken na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Loren Burgos, at Ryan Eigenmann.

Ang award-winning movie na ito ay graded A sa Cinema Evaluation Board. Ito ay isinulat at idinirehe ni Maria Diane Ventura na nagwaging best director for global feature samantalang best actor naman sa International Film Festival Manthattan 2015 si Jake. Nagwagi rin bilang best narrative feature sa World Cinema Festival sa Brazil ang Pelikula at Muli, nakuha ni Jake ang best actor honor.

Ang Mulat ay isang psychological thriller-drama na may pagka-mystery at suspense dahil sa mga karakter nina Jake at Loren, isama pa ang nakababaliw na role ni Ryan.

 

 

“Pogi Years Old,” bagong album ng Parokya ni Edgar

Isa sa mga kilalang banda rito sa Pilipinas ang Parokya Ni Edgar. Kaya marami talaga ang  fans nila na nagtatanong kung kailan ba sila maglalabas ng bagong album at mga bagong kanta.

Heto at pagkatapos ng matagal na paghihintay ng kanilang fans dahil after four years, inilunsad na ang bago nilang album, ang “Pogi Years Old.”

Ang ‘90S Band Explosion” na ito na kinabibilangan nina Chito Miranda, Buhawi Meneses, Vinci Montaner, Darius Semana, Gab Chee Kee at Dindin Moreno.

Inspirasyon din ni Chito ang kaniyang asawa na si Neri Naig sa pagtapos ng kanilang album.

Malikhaing birthday message para kay INC executive minister Bro. Eduardo V. Manalo

Nagdiwang ang buong Iglesia Ni Cristo sa pagsapit ng kaarawan ng kapatid na Eduardo V. Manalo ang tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.

Dahil dito bumuhos ang pagbati ng mga kapatid kay ka Eduardo sa social media sa pagpo-post ng mga larawan.

Karamihan sa mga ito ay lubos ang pasasalamat sa Tagapamahalaang Pangkalahatan sa matagumpay nitong pangunguna sa kabuuan ng Iglesia. Di lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo at taos sa puso ang pagbati sa kanya.