MMFF parade, dinumog ng madaming tao

Hindi magkamayaw ang publiko na nag-abang sa parada ng walong pelikulang kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Sa Manila City Hall pa lang, dinumog na ng mga fans ang float habang nag-aantabay sa pagdating ng mga artista.

Hindi pa man tumatabo sa takilya ang mga pelikulang kasali…nagpa-talbugan na sa float ang mga ito.

Mala-carnival sa brazil ang tema ng float ng pelikulang die beautiful na pinagbibidahan Ni Paolo Ballesteros na todo-porma pa sa kanyang custome.

Puno rin ng palamuti ang float ng pelikulang Vince, Kath And James kung saan bida sina Julia Barretto, Joshua Garcia at Ronnie Alonte.

Habang nakakakilabot ang tema ng seklusyon na nag-iisang horror film entry sa MMFF.

Hindi rin nagpahuli ang float ng iba pang kasaling pelikula gaya ng Kabisera, ORO, Saving Sally, Sunday Beauty Queen, at  Ang Babae sa Septic Part 2.

Nagmula ang parada sa city hall na dumaan sa Lawton, Binondo, Recto Avenue, Rizal Avenue hanggang sa magtapos sa Plaza Miranda.

At kahit na nagpatupad ng traffic rerouting ang manila traffic enforcement unit — nagsikip pa rin ang daloy ng trapiko dahil na rin sa dami ng mga naki-usyoso sa parada.

Umaasa ang mga artista gaya na lang ni Eugene Domingo na bida sa ang babae sa Septic Tank 2 na tatangkakilin ng publiko ang lahat ng mga pelikula na tiyak na magugustuhan umano ng mga manonood.

Ayon naman kay juana change na isa sa mga karakter sa Sunday Beauty Queen na maihahalintulad sa mga kakaibang handa ang mga pelikulang kalahok ngayon sa film fest.

Natutuwa naman si superstar Nora Aunor sa kanyang pagbabalik sa Metro Manila Film Festival.

Gayunman iwas itong sagutin kung magiging mahigpit ang labanan sa pagka-best actress.

Ang mga fans sa ngayon pa lang, may mga pelikula nang napupusuang panoorin.

Hello Kitty live show, umaarangkada na

Kung noon ay sa mga cartoon na palabas lang, drawing at stuffed toys makikita ang little girl na si Hello Kitty ngayon ay live na siyang mapapanuod.

Nandito kasi sa Pinas ang paboritong cartoon character ng mga bata para sa dalawang linggong show sa Hello Kitty.

Hindi maikakaila na maraming tumatangkilik sa cartoon character na si Hello Kitty, mapa-matanda man o bata.kaya naman isang malaking oportunidad ito na mapanuod ang Hello Kitty Live-Fashion and Friends sa mga mahihilig sa nasabing character.

Dahil sa pagbubukas pa lang ng show sa gala night nito, ang mga nakapanuod dito ay happing happy sa interactive na programa.

Isa pa sa kumumpleto sa programa ay ang tropa ni hello kitty. Tulad ng twin sister niyang si “Mimmy”. Ang kaniyang super bestfriend na si “My Melody”. Nakikulit din si Bad Badtz-Maru at Pompompurin. At higit sa lahat ang special and surprise participation pa ng boyfriend ni Hello Kitty na si “Dear Daniel” na talagang ikakikilig ng mga teen at young adult niyang fans.

Mapapanuod silang sumasayaw kasama ang kanilang narrator na si “Sofie.”

Itatampok sa palabas na ito ang istorya tungkol sa friendship, talent, hardwork at passion. Sa kaniyang paglalakbay makakasama niya ang kaniyang mga kaibigan.

At pagkatapos nga ng programa, hindi matatawaran ang kaligayahan lalo na ng mga kabataan sa isang live show na kanilang napanuod.

At hiling ng bawat isa, magbalik muli ang paborito nilang cartoon character sa bansa.

Sa unang pagkakataon din, sa bansa sasalubungin ni Hello kitty at ng kaniyang tropa ang bagong taon. Magtatagal kasi hanggang  January 1, 2017 ang kanilang live show.

Premiere night ng “Kabisera”, matagumpay

Kinasasabikan na talaga ang mga pelikulang kabilang sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2016 (MMFF).

Pero bago pa man magsimula ang pagpapalabas ng pelikula kaniya kaniyang mga red carper at premiere night ang ginawa na ng mga kalahok na pelikula.

Tulad ng pelikulang “Kabisera” nina direk Arturo San Agustin at Real Florido. ang nasabing pelikula ay pinangungunahan ng superstar at tinaguriang grand dame in Philippine cinema na si Ms. Nora Aunor.

Ipinagmamalaki ni ate guy ang mga kasama niyang kabataang artista na nagsiganap bilang mga anak niya sa premiere night ng “Kabisera” dinagsa ito ng mga Noranians na talagang todo ang suporta kay ate guy, dahil sa mainit na suporta ng publiko, lalo raw ginanahan si ate guy sa kaniyang ginagawa.

Masaya naman si Jc De Vera na nakatrabaho ang isa sa mga kinikilalang haligi ng Philippine cinema. isang karangalan aniya na makasama sa isang pelikula ang nag-iisang superstar.

Kasama din sa “Kabisera” sina Ricky Davao, Jason Abalos, Victor Neri, Ces Quesada, Rj Agustin, Perla Bautista, Ronwaldo Martin, Alex San Agustin at Kiko Matos.

Premiere night ng “Saving Sally”, naging matagumpay

Sa red carpet pa lamang ng pelikulang “Saving Sally”, sinalubong na ng kaniyang mga fans si Rhian Ramos.

Ito ang pangalawang screening ng pelikula sa bansa pagkatapos ng private screening na ginawa ng pelikula.

Makaka pareha ng aktres sa animated movie na ito ang aktor na si Enzo Marcos.

Gayundin ang excitement ni TJ Trinidad at very grateful daw siya dahil after 10 years ay maipapalabas na din sa publiko ang isang pelikulang pinaghirapan ng buong production.

Bukod sa mga fans, dinaluhan din ito ang premiere night ng Saving Sally ng mga malalapit na kaibigan ng mga cast at director nito sa show business.

Pelikulang “ORO” tampok sa MMFF 2016

Lubos ang kasiyahan ng mga nasa produksyon at mga artista ng pelikulang “oro” dahil sa pagkapasok nila sa magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2016.

Ang pelikulang “ORO” ay mula sa direksyon ni  Alvin Yapan. Hango ang pelikula sa isang undocumented massacre sa Brgy. Gata, Caramoan, ,Camarines Sur kung saan apat na minero ang pinaslang.

Tampok sa kwento, kung paano ang ginawang paglaban ng apat na minero alang- alang sa isa sa pinagkukunan ng kabuhayan ng kanilang barrio.

Ito ang unang MMFF movie ni Irma Adlawan, na lubos naman nitong ikinatutuwa.

Ginampanan naman ni sandino martin ang karakter ng isang witness na kung saan siya ang nakasaksi sa pamamaslang.

Ginampanan naman ni Joem Bascon ang isa sa apat na minerong pinatay  at si Mercedes Cabral bilang kasintahan nito na isang guro.

Bukod sa hango sa totoong pangyayari ang pelikula, napapanahon din umano ang pelikula sa ngayon.

Punong- puno din ng aral ang pelikula na kailangang malaman at matuklasan ng mga pilipino.

ito ang katotohanan na hindi natin maitatago sa panahon ngayon.

Mapapanuod na ang “ORO” sa ibat- ibang sinehan sa bansa.. Kasabay ng pagsisimula ng MMFF 2016 sa Dec. 25.

 

ICYMI: The 64th FAMAS Annual Awards

“Felix Manalo” proved to be one of the biggest winners at the recently held 64th FAMAS Awards. It bagged five awards: “Best Actor” for Dennis Trillo’s portrayal of the titular role; “Best Director” for Joel Lamangan; “Best Theme Song” for “Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw” performed by Sarah Geronimo; “Best Screenplay” by Brother Bienvenido Santiago. “Felix Manalo” also won the night’s biggest award, “Best Film”.

The prestigious awards night is thronged by a virtual who’s who of the Philippine showbiz industry. Full of glitz and glamour, the country’s brightest stars gathered to give honor to their esteemed colleagues.

Eagle Broadcasting Corporation, through its TV arm, NET 25, is one of the media partners of the 64th FAMAS Awards.

The exclusive coverage was aired last Sunday, December 11, 2016 on NET 25.

Glaiza de Castro, bumisitang muli sa Pinas FM ; ni-launch ang latest single na “Sa’Yo Pa Rin”

Bukod sa kaniyang pagiging abala sa show business bilang isang artista hindi pa rin nawawalan ng oras si Glaiza de Castro sa isa pa niyang passion ang music.

Nakaraang taon nang ilabas niya ang kaniyang sophomore at pop-rock album na “Synthesis” under Homeworkz Entertainment. Self-produced ang kaniyang album at hindi niya inakalang tatanggapin ito ng kaniyang mga tagahanga. Katunayan, nakatanggap na ito ng “Gold Record Award” din ng nakaraang taon.

Una niyang inilabas bilang carrier single ang kantang “Dusk Til Dawn” na nanguna rin sa mga hit chart nang kasagsagan nito.

At sa pagkakataon namang ito, bumalik sa Pinas FM si Glaiza upang i-introduce ang kaniyang pangalawang single. Ang “Sa’Yo Pa Rin”. Ang kanta ay tungkol sa isang broken relationship, isang bitter song pero may realization.

Eugene Domingo, nagbabalik bilang si “Eugene Domingo” sa “Ang Babae sa Septik Tank 2”

Nagbabalik muli sa big screen si Eugene Domingo.  Dalawang taon din nagpahinga ang premyadong aktres sa paggawa ng pelikula. Ang pinakahuling pelikula kasi na kaniyang ginawa ay Barber’s Tales, kung saan nakatanggap siya ng pagkilala at award bilang “Best Actress” sa Tokyo International Film Festival.

Ang pelikula ni Uge, ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough na isa sa competing entries na Magic 8 SA Metro Manila Film Festival 2016 na magsisimulang ipalabas sa December 25.