OFW’s sa Hong Kong, bumida sa MMFF 2016 movie

Official entry sa Metro Manila Film Festival 2016 ang documentary film na Sunday Beauty Queen. Sa diresyon ni Baby Ruth Villarama.

Mga bida rito sina Leo Selomenio, Hazel Perdido, Mylyn Jacobo, Cherrie Mae Bretana at Rudleyn Acosta.

Tunay na domestic helper sila na nagtatrabaho sa Hong Kong. Ipinalabas ang Sunday Beauty Queen sa Busan International Film Festival at umani ito ng positive reviews mula sa foreign press.

Sa pelikula’y ipinakita ang lingguhang pagganap ng beauty pageant dahil ‘yun ang pahinga ng mga OFW na namamasukan sa Hong Kong.