Kauna-unahang horror movie ng Regal Films ngayong taon, mapapanuod na sa March 8

Isang horror film ang bagong handog ngayon ng Regal Films sa mga Pinoy movie goers. Ang pelikulang “Pwera Usog” na pinagbibidahan nina Sofia Andres, Joseph Marco, Devon Seron, Kiko Estrada, Albie Casiño at ang bagong dagdag sa roasters ng mga Regal babies ni Mother Lily Monteverde na si Cherise Castro.

Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Jason Paul Laxamana.

Kilala ang Regal Films sa mga horror film na naproduced nito at naipakilala sa sa mga nakaraang panahon kaya ganun na lang ang excitement at kagalakan ng mga lead cast ng bagong horror film na sila ang bibida sa isang obra nito.

Farewell tour concert ng the Moffatts sa PHL, matagumpay!

Naging matagumpay ang The Moffatts’ Farewell Tour Concert, na nakapagtala pa rin ng malaking bilang ng Pinoy fans.

Tulad ng inaasahan kinanta ng Canadian Boy Band ang kanilang  mga naging hits na “I’ll Be There For You” , “Miss You Like Crazy,” “If Life Is So Short,” at “Girl Of My Dreams.”

Hindi nga magkamayaw sa tuwa ang kanilang fans nang magsimula nang mag-perform on stage ang The Moffatts.

BoybandPH, ibinalita ang kanilang debut album

Masaya ang pakiramdam ng limang bagong artists ng ating bansa. Ang newly formed boy group na “BoybandPH” dahil sa paglunsad ng kanilang unang album under Star Music.

Masasabi talaga nila as an individual na talagang na-aachieve na nila unti-unti ang kanilang mga pangarap.

TOFARM, may dalawang malalaking proyekto ngayong 2017

Magkakasunod na malalaking proyekto ang inilunsad ng TOFARM ni Dr. Milagros How, ang Chief Advocate nito para sa mga magsasaka.

Bukod kasi sa TOFARM Film Festival na nasa pangalawang taon na, meron na ring songwriting competition kung saan ipinakilala na ang sampung finalists na maglalaban sa finals night nito sa April 9 na gaganapin sa Samsung Hall ng Sm Aura Premier.

90’s Canadian pop-rock band na “The Moffatts,” balik bansa para sa kanilang farewell tour concert

Ang mga kantang “Miss You Like Crazy”, “I’ll Be There For You”, “If Life So Short”, “Girls Of My Dream” at marami pang iba. Ilan lamang yan sa mga kantang napasikat ng Canadian pop-rock band na “The Moffats.”

Nagbabalik bansa ang tatlo para sa kanilang “Farewell Tour” na gaganapin sa Araneta Colliseum sa February 18 sa ganap na ika-anim ng gabi.

Taong 1998 ang huling pagtatanghal ng The Moffats sa bansa, and after 16 years ang mga magkakapatid na Scott, Clint, at Bob ay talagang na-miss nila ang Pilipinas. malaki nga raw ang kaibahan ng kanilang  Filipino fans kung ikukumpara sa ibang mga bansa na kanilang napagtanghalan.

“Balatkayo” tampok ang mga OFW ng bansa

Bago pa man magsimula ang birthday party ng tinaguriang “Queen of Independent Film” na si Ms. Baby Go ay nagkaroon ng presscon para sa kaniyang pang labingdalawang pelikula. Ito ang “Balatkayo”.

Isa itong OFW drama film na pagbibidahan nina Aiko Melendez, Polo Ravales, Nathalie Hart at Rico Barrera. Kasama ang baguhang aktor na si James Robert.

Ito ay mula sa panulat ni Direk Jason Paul Laxamana.

Sa direksyon ng beteranong direktor na si Direk Neal “Buboy” Tan.

Sa pelikulang “Balatkayo” ay tumatalakay sa buhay ng mga OFW.

Jason Dy at Malaysian artist Fazura, nagkaroon ng collaboration song na “Nothing Like Pag-Ibig”

Panibagong kanta ang handog sa atin ng The Voice Season 2 grand winner na si Jason Dy.

Pero this time ka-collaborate niya ang Malaysian star na si Fazura.

Ang “Nothing Like Pag-Ibig” na mula sa panulat ng award winning hitmaker at song-writer na si Jungee Marcelo.

Si Fazura ay kilalang actress, model at tv host sa Malaysia. Last November pa nang irecord nila ni Jason ang kanta. At first time niya na magkaroon ng collaboration sa isang filipino artist.

Ang magandang duet love song na ito ay nagpapakita lamang ng dalawang bansang magkaiba ng kultura, lengwahe at paniniwala ay nagkakaisa sa pamamagitan ng musika.

Ayon kay Jason, hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng mga nagaganap sa kaniyang career ngayon sa music industry.

At nagpapasalamat siya sa lahat ng mga naging pundasyon niya upang matupad  ang kaniyang mga pangarap.

Maliban sa latest single ni Jason, napakarami pang dapat abangan aniya sa kaniya sa mga susunod pang araw.

Naka-out na ang “nothing like pag-ibig” nina Jason at Fazura sa mga digital platform at music store online.

 

 

 

 

FDCP ambassador night, matagumpay

Naging matagumpay ang ambassador night ng Film Development Council Of The Philippines(FDCP).

Sa nasabing aktibidad ay binigyan ng  pagkilala ang lahat ng pelikula na lumaban sa ibat ibang pre tihoyosong film festival sa iba’t ibang bansa pati na rin dito sa Pilipinas.

Layon din ng awards night na itaas ang  level of awareness sa art ng film making.

Ilan sa mga nabigyan gawad ay ang Die Beauitiful para sa Best director na si Jun Lana, Best actor naman si Paolo Ballesteros.

FDCP artistic excellence award naman para sa “Ma Rosa” directed by Brilliante Mendoza  na entry g pilipinas para sa pretihiyosong oscar 2016.

Nakakuha rin ng award ang “Walang Take Two”na indie film ng INCinema

Itinanghal na Best director si Carlo Cuevas.

Lubos ang pagpapasalamat ni direct Carlo sa lahat ng tumangkilik ng Walang Take Two hanggang sa nag karoon ito ng continuation sa tv sa na pinamagatang hapi ang buhay.

Ang “Film Ambassador Night” ay inilunsad nitong nakaraang October 2016 at ayon sa Chairman at CEO nito ay magiging taunan na ang ganitong aktibidad ng FDCP…. Bilang kanilang pagkilala sa lahat ng achivements ng filipino film makers.

May mensahe rin si dino sa lahat ng mga aspiring film makers sa mga darating pang panahon

 

 

Australia week : Sport news

Pambansang Almusal with Davey Langit, Aikee, Nikki Veron Cruz, Apple Chiu, Kyle Nofuente, Chef Tristan, Kath, Carmi, Regine Angeles, and Richard Quan.

Weekdays 6am-7am at NET 25

Like us on facebook: https://www.facebook.com/PambansangAlmusal
Twitter: https://twitter.com/palmusal

Watch online on: http://www.eaglebroadcasting.net/net25tv