Narnia star na si William Mosely, nasa Pinas para i-promote ang rom-com film na “Carrie Pilby”

Nag-eenjoy si William Mosely sa kaniyang pananatili sa Pilipinas sa loob ng isang Linggo. Dumating sa bansa ang hollywood actor para sa ginagawang promotion ng pelikulang “Carrie Pilby”.

Nakilala si Moseley sa kaniyang pagganap bilang si Peter Pevensie sa fantasy movie series na “The Chronicles of Narnia.”  maituturing niya raw ito na biggest break  sa show business.

Nagsimula ang actor sa show business nuong 11 years old pa lamang siya at mula nuon sunod-sunod na mga proyekto ang kaniyang ginawa mapa-adventure films man, drama o horror films tulad ng friend requests.

At dahil all grown up na si Moseley, bibida naman siya sa isang romantic comedy movie. ito ang live adaptation sa big screen ng best-selling novel ni Caren Lissner.

Nakasama niya sa pelikula si “Bel Powley” na siyang gaganap bilang si Carrie. Ang isang babaeng may kakaiba at wirdong personality. Gagampanan naman niya ang karakter na si “CY” na isang masugid na manliligaw ni Carrie.

Assunta de Rossi, bibida sa pelikulang “Higanti”

Ginanap ang red carpet at premiere night ng pelikulang “Higanti” noong Marso 20. Kuwento ng paghihiganti ang tinutumbok ng pelikula.

Ang “Higanti” na mula sa gitana film productions ay iikot sa isang pamilya na ang ama ay isang tiwaling pulitiko na magkakaroon ng problema sa kaniyang pamilya.

Isang mayamang pamilya na maghihirap dahil sa pagiging ganid sa salapi at pagiging makasarili.

Pinagbibidahan ito ni Assunta de Rossi na siyang maghihiganti sa pelikula. Lalaban siya kahit na anong mangyari upang maibalik kung anumang kinuha at inagaw mula sa kaniya.

 

 

Musical show na “Beautiful Sunday,” mapapanuod na tuwing Linggo

Ang naturang musical show ay pinamagatang “Beautiful Sunday” na isang oras na mapapanuod tuwing Linggo.

Pumirma na ng kontrata ang original jukebox queen na si Ms. Imelda Papin sa Eagle Broadcasting Corporation o EBC para sa musical variety show na ginagawa nila.

Makakasama rin ni imelda sa “Beautiful Sunday” ang jukebox king na si Victor Wood.

Lumad film na “Tu Pug Imatuy (The Right To Kill),” humakot ng anim na awards

Ginanap ang awarding ceremony ng araw ng Linggo, March 12 ng Sinag Maynila Independent Film Festival sa the Samsung hall ng SM Aura.

Umiiyak na tinanggap ni Raymond “RS” Francisco ang kaniyang first best actor award sa katatapos lamang na 3rd edition ng naturang film festival na pinangungunahan ni William Tieng bilang CEO at ng film festival director nito na si Brillante Mendoza.

At katulad ni R-S ng pelikulang Bhoy Intsik ni Joel Lamangan ay wagi rin si Kristoffer King ng pelikulang “Kristo” para sa best actor category. tinanggap ng director nito na si HF Yambao ang awards dahil hindi nakarating ang actor.

Indie film na “Bhoy Intsik” mapapanood na sa mga sinehan ngayong Marso

Isa nanamang pelikula sa direksyon ni Joel Lamangan ang ihahandog ng Frontrow Entertainment na pinamagatang “Bhoy Intsik.”

Ang Indie film na ito ay isa sa 5 finalists ng Sinag Maynila 2017 Indie Film Festival.

Ang istorya ng pelikula ay tungkol sa dalawang small time criminal na nagtagpo ang landas na nagkakaroon ng di pagkakasundo lalo na sa illegal nilang hanapbuhay na ginagawa sa komunidad ng mga residente sa sementeryo at sa bandang huli ay magiging mag kaalyansa din ang dalawa.

Ayon sa mga cast at direktor nagkaroon din sila ng adjustment dahil sa kanilang gaganapan na role sa movie nagkaroon din umano sila ng pag-aadjust kanilang naging shooting location.

Walang Take Two, pinarangalan sa NCCA Ani ng Dangal 2017

Pinarangalan sa isinagawang Ani ng Dangal 2017 ng National Comission for Culture and Arts ang 72 artists at ang kanilang mga obra mula sa ibat ibang fields ng arts—36 ang sa sinema cinema, 16 for dance, isa para sa dramatic arts, isa sa literary arts, walo para sa music, at  10 naman para sa visual arts.

Nakatanggap muli ng award ang Walang Take Two na indie film ng INCinema bilang best film.

Abot abot muli ang pagpapasalamat ng direktor nito na si Direk Carlo Cuevas dahil sa muli nanamang nakatanggap ng award ang Walang Take Two.

 

Global Youth Summit sa Pilipinas, matagumpay

Ginanap ang Global Youth Summit sa Mall of Asia Arena nitong Biyernes (March 3), ang konklusyon ng isinagawang Global Peace Convention ng Global Peace Foundation – Philippines.

Ang Global Peace Foundation o GPF ay isang international non-sectarian, non-profit organization sa mundo na may adbokasiya ng sustainable peace o pagkakaisa.