NET 25, tumanggap ng recognition awards sa NCCA

Sa pagdiriwang ng 30th anniversary ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA. Nagkaroon ng isang gabing pagbibigay parangal sa ilang mga personalidad, sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at LGU, mga pribadong sektor, media partners at ilang mga kilalang celebrities sa bansa na kanilang naging ambassadors.

Pangunahin na binigyan ng recognition and awards ang mga kawani ng NCCA. mga pioneers, at ang may mga natatanging kontribusyon sa NCCA.

At dahil isa ang Eagle Broadcasting Corporation sa mga media partners ng NCCA, tinanggap ng NET25 ang recognition for media partners ng naturang ahensya.

Binibigay ng ahensya ang pagkilala sa mga nakatuwang nila sa pagsusulong ng sining at kulturang Pilipino.

Ang NET 25 ay may mga programa sa telebisyon na kung saan ipinakikita ang galing at kultura ng bawat Pilipino. Ang “Letters and Music” na sumusuporta sa mga musikang Pilipino at ipinakikilala ang galing ng mga Pinoy sa larangan ng musika. Travel show tulad ng “Landmarks” tampok ang iba’t ibang kultura ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bayan dito sa Pilipinas. Nariyan din ang mga morning shows na Masayang Umaga Po at Pambansang Almusal na kung saan ay may mga segmento na tampok ang sining at kulturang Pilipino. At maraming pang ibang programa na sumusuporta sa adbokasiya ng NCCA.

Christian Bautista, bumisita sa Pinas FM kasama ang kaniyang latest single na “Kapit”

Sa muling pagbisita ng Asian Balladeer na si Christian Bautista sa Pinas FM, bagong tunog at kanta naman ang kaniyang dala-dala.

Ang kantang “Kapit” na siyang magiging carrier single ng kaniyang parating na album under Universal Record at collaboration nila ni Brian Lotho ng Join The Club.

Busy man sa kaniyang mga commitment sa show business bukod sa kanyang mga teleserye at  mga shows, hindi pa rin siya mawawalay sa music kung saan siya nag-simula.

Nagpapasalamat din ang Asian Romantic Balladeer sa kaniyang mga fans gayundin sa Pinas FM dahil sa suporta nito sa OPM lalo na sa kaniyang mga kanta.

Kabilang rin si Christian sa “#Love Throwback 2: The Repeat,” na gaganapin sa PICC Plenary Hall sa May 27 kasama pa ang limang magagaling na OPM artists.

British singer na si Dua Lipa, bumisita sa Pilipinas

Dahil isa ang Pilipinas sa mga bansang paborito niya, bumisita sa bansa ang British singer and song-writer na si Dua Lipa.

Dumating sa bansa si Dua Lipa para sa isang exclusive treat and acoustic showcase na nakaukol sa kaniyang mga Filipino fans.

Sa naganap na press and entertainment media night ni Dua Lipa ay dinaluhan ito ng press people, bloggers at ilang piling fans.

Dito nag-perform ang British singer ng tatlo sa kaniyang mga napakilalang kanta tulad ng “Blow Your Mind”, “Lost In Your Light” at “Be The One.”

Sa Hunyo na  ilalabas ang debut album ni Dua Lipa kaya ganun na ang ang kaniyang pananabik na maihandog ito sa kaniyang fans.

Michael Pangilinan, may bagong kanta na “Tayo Na Lang”

Punong- puno ng sigla  ang pagbabalik ni Michael Pangilinan sa Pinas FM dala ang kaniyang panibagong single.

Ang kantang “Tayo Na Lang” ang bagong awitin ngayon ni Michael Pangilinan matapos ang nauna niya na “Hanggang Kailan.”

Ito ay mula sa komposisyon ni Jonathan Manalo na mula pa rin sa pangalawang album ni Michael Pangilinan.

Ang kantang ito ni Michael Pangilinan ay tungkol sa isang tao na umaasa na maging sila ng taong may minamahal ng iba.

Kaya sa kantang ito ni Michael Pangilinan ay tiyak na madami ang makaka-relate.

Sam Milby, may bagong album na “Sam: 12” sa kaniyang 12 years sa showbiz

Masaya ang pagbabalik at pagbisitang muli ng Fil-Am actor and singer na si Sam Milby sa Pinas FM.

Ito ay upang i-anunsyo ang kaniyang bagong album mula sa Star Music and after 6 years mula ng kaniyang previous album nang taong 2012.

Ang carrier single ng kaniyang album ay “Who’s That Girl?” na mula sa panulat ni Gabriel Tagadtad.

12 years na sa show business si Sam AT dito hinugot ang titulo ng kaniyang album na Sam: 12.

Ang pangunahing inspirasyon niya umano rito ay ang kaniyang fans.

Patuloy rin ang pagpapasalamat ni SAM sa Pinas FM hindi lamang dahil sa pagpapatugtog ng kaniyang kanta maging sa tuloy-tuloy nitong pagsuporta sa OPM.

Nakalabas na ang “Sam: 12” album sa mga record bar nationwide at iba pang music stores online.

“Way of the Cross,” unang pelikula ng Filipino-American actor na si Anthony “TBOY” Diaz V. sa Pilipinas

Sa kauna-unahang pagkakataon gumawa ng pelikula sa Pilipinas ang Filipino-American actor at producer na si Anthony “TBOY” Diaz V. at ito ang suspense-thriller international movie na “Way of the Cross” na pinagbibidahan niya.

Marami raw siyang nadiskubre sa paggawa ng pelikula dito sa bansa, na iba sa nakagawian at nakasanayang sistema ng kaniyang film-making sa Hollywood.

Kinabibilangan nina Alvin Anson, Rafael Rossel, Roxanne Barcelo, Daiana Meneses, Isay Alvarez at iba pang mga Filipino artist ang pelikula.

English ang gagamiting lengwahe sa pelikula, kaya ganun na rin ang kanilang mga paghahanda bago pa lamang magsimula ang shooting ng pelikula.

BG Production International, nagkaroon ng thanksgiving presscon sa karangalang natanggap

Pagkauwi na pagkauwi pa lamang ay agad nang nagpatawag ng presscon ang BG Production Inetrnational sa pangunguna ni Ms. Baby Go at ng line producer nito na si Dennis Evangelista.

Ang naturang presscon ay thanksgiving ng BG sa pagwawagi ng mga artista at maging ng pelikula nila sa ibang bansa. kakaiba talaga ng mga pelikula ng bg dahil walang tigil si Ms. Baby Go sa paghakot ng mga award mula sa mga Local Award Giving Body at International Film Fest.

Queen of Soul “Jaya”, sasabak sa hindi nakagawiang konsiyerto

Sa pambihirang pagkakataon susubukan ni Jaya ang iba’t- ibang istilo at genre ng musika sa kanyang nalalapit na concert na “No Boundaries,” na gaganapin sa Music Museum sa May 12.

Bukod sa kanyang genre na jazz nais din niyang subukan ang pop, rock, rap, RNB at maging ang classical music.

Bakas ang kanyang excitement sa kanyang pagbabalik entablado mula noong huli niyang concert noong 2014. At puspusan na ang paghahanda ng Soul Diva para sa kanyang nalalapit concert sa nalalapit na May 12.

Pagkatapos ng concert ay magiging abala naman daw siya sa kaniyang full lenght album na ang kantang sinulat ni Yeng Constantino para sa kaniya na “Kasalanan” ang magiging carrier single.

Benefit concert para sa mga katutubong Manobo na nasalanta ng kalamidad, matagumpay na isinagawa

Upang makatulong sa mga katutubong Manobo na nasalanta ng kalamidad nitong nagdaang Enero isang benefit concert ang kanilang isinagawa.

Sa tema ng concert na “I Support the Manobo’s of Caraga” layun nito na matulungan ang mga Manobo na nabiktima ng kalamidad upang muling makabangon sa buhay.

Dumalo rin sa nasabing benefit concert ang ilang mga kinatawan ng ahensya ng pamahalaan sa sumusuporta rin sa isinagawang benefit concert.

Nagsama-sama ang mga song artist sa nasabing benefit concert at nakiisa sila upang matulungan ang mga nangangailangang katutubong Manobo sa Caraga region.