Bangs Garcia, hindi nakararanas ng ‘morning sickness’ habang nagbubuntis

Thankful ang actress na si Bangs Garcia na hindi siya nakakaranas ng tinatawag na ‘morning sickness’ kagaya ng nararanasan ng ibang kababaihan na nagdadalang-tao.

Three months pregnant sa first baby nila ng Filipino-British husband na si Lloydi Birchmore ang 30-year-old actress.

Nitong Enero, ikinasal ang dalawa sa Boracay kung saan din nagsimula ang kanilang love story.

Sa Disyembre ngayong taon, nakatakdang manganak si Garcia at umaasa na baby boy ang ipinagbubuntis.

At kahit na nagdadalang tao, tuloy- tuloy parin ang projects ni Bangs kabilang na ang bagong endorsement sa isang beauty products.

May tips din ang aktress upang mapanatiling healthy at malusog ang skin at pangangatawan.

Mga 90’s song artist magsasama- sama sa isang reunion concert

Muling magsasama- sama ang mga batikang singers ng 90’s para sa isang reunion concert sa darating na July.

Sa pinaka- aabang na concert masasaksihan ng mga fans ang mga pinasikat na 90’s songs sa mundo ng OPM.

Magsasama- sama sina Wency Cornejo , Jett Pangan, Paco Arespacochaga, Cooky Chua, Medwin Marfil, Dong Abay, ,Naldy Padilla Perf Castro at Lei Baustista.

Sa nakalipas na dekada, ang OPM ay naging patok sa mga pinoy.

Kaya naman excited na ang mga magkakaibigan sa kanilang isasagawang reunion concert.

Pinamagatang “The 90’s live” na tiyak na pakaabangan ng kanilang mga fans.

Ayon sa mga singers, makaaasa daw ang kanilang mga fans na hindi nila makakalimutan ang muling pagsasama nila sa stage upang kantahin ang mga sikat na kanta noong 90’s.

Mararanasan din ng kanilang mga fans ang good time reminiscing and jamming aforementioned iconic rock artists.

Ang concert na The 90’s live ay isa sa mga efforts para suportahan ang champion home grown musical artist.

Pakaka-abangan ang nasabing concert sa darating na July sa The Theatre at Solaire.

 

 

 

Darren Espanto, may collaboration sa Malaysian singer na si Nik Qistina

Nakasama ni Darren Espanto ang isang malaysian pop singer na si Nik Qistina para sa bagong version ng kantang “Young Hearts”.

Ang orihinal ng kantang ito ay ini-released ng MCA Universal na top sa mga hit chart sa Malaysia.

Ayon pa malaysian pop singer, isa raw perfect duet na makasama si Darren Espanto sa kanilang acoustic version ng “Young Hearts”. At hindi lamang isa kundi dalawa ang collaboration nila, ang isa pa ang kantang “My Baby And Me”.

Si Darren, ay isa ngayon sa pinakatanyag sa bagong henerasyon pagdating sa pagkanta, tinaguiran na din siyang total performer dahil sa kanyang edad ay napakalaki na ng kanyang narating.

Kung matatandaan siya lamang ay nag simula sa isang sikat na singing contest at nakamit ang first runner up.

Ayon sa batang singer gusto nyang isama ang kanyang mga tagasuporta sa kanyang journey sa pamamagitan ng kanyang pagkanta.

Malaki rin ang pagpapasalamat ni darren sa pinas fm dahil sa patuloy na pagsuporta ng himpilan sa opm katulad nga ng kaniyang mga awitin.

Available na ang deluxe edition ng “Be with Me” album ni Darren sa mga Record Bars nationwide maging sa iba’t ibang music stores online.

 

Pelikulang “Ang Huling Cha Cha ni Anita,” nagkaroon ng commercial release

Malaking pasasalamat ng baguhang direktor na si Sigrid Andrea Bernardo sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) dahil sa pagkakaroon ng commercial screening ng “Ang Huling Cha-Cha ni Anita”.

Tampok sa pelikula sina Angel Aquino at Teri Malvar na naging kalahok din sa CineFilipino Film Festival noong taong 2013.

Ilan na ring mga karangalan ang natanggap ng pelikula maging nina Angel at maging si Teri na ito ang kauna-unahang nilang ginawang pelikula nang pumasok \sa show business.

Nanalo si Teri ng best actress sa CineFilipino at naging nominado sa iba’t ibang filmfest dito sa bansa at abroad.

Naging komportable naman sila aniya sa isa’t isa habang ginagawa ang pelikula dahil sila ang laging magkasama sa bawat eksena.

Malalaki na ang mga bata sa pelikula dahil ipinalabas ito noong 2013 pa. At aniya marami silang natutunan sa pelikula.

Na-miss din nila ang pagsayaw ng Cha-Cha na isang mahalagang sayaw ng kulturang pilipino.

Nagsimula noong June 16 ang pelikula at magtatapos naman sa june 22 sa sm cinemas kung saan matatagpuan ang cine lokal.

Queen of Indie Films na si Ms. Baby Go, inilunsad ang BG showbiz plus

Hindi lamang sa mundo ng pelikulang Pilipino ang venture ngayon ng tinaguriang “Queen of Indie Films” na si Ms. Baby Go, kundi pati na rin ang entertainment magazine.

Sa paglunsad ng kauna-unahang publication sa bansa na “BG showbiz plus”, ito ay dedicated sa independent film industry.

Sa kaniyang pangatlong taon sa indie film scene, mayroon nang labindalawang mga pelikula ang tinaguriang reyna ng indie. Ito ay mula sa iba’t-ibang mga award winning at batikang director tulad nina Mel Chionglo, Joel Lamangan, Neal Tan, Louie Ignacio at iba pa.

Ang kaniyang mga pelikula ay nakatanggap ng iba’t iba at hindi mabilang na parangal mula sa  mga prestihoyosong award giving bodies hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.

Ang BG production ay patuloy na gumagawa ng mga pelikulang sumasalamin sa mga suliranin ng lipunan at tunay na kaganapan saan mang sulok ng bansa.

Ang kauna-unahang issue ng  “BG Showbz Plus” magazine ay magsisimula sa buwan ng Hulyo ng taong ito at ang kauna-unahan nitong cover, ang fashion designer na si Ms. Joyce Peñas Pilarsky.

Isa pang hirit sa tag-init na handog ng Pinas FM 95.5, ginanap sa Splash Island

Isa pang hirit sa tag-init ito ang tema ng ginanap na mini-concert ng Pinas FM 95.5 sa Splash Island na nasa Laguna.

Nagperform sa nasabing mini-concert ang mga artist na sina Jane De Leon, Nikki Gonzales, ang rapper na si Ace, ang Classy Girls, Anne Tenorio, at marami pang iba.

Maging ang fliptop artist at DJ na si Rapido AY hindi rin nagpahuli pagdating sa performance.

Habang nagsasaya naman sa swimming pool ang mga nasa resort ay nag-eenjoy din silang makinig sa mga opm na tugtugin mula sa mga guest performer ng Pinas FM 95.5

Ang Pinas FM ay ang FM radio station ng Eagle Broadcasting Corporation o EBC na nagpapatugtog ng isandaang posyentong awiting Pinoy. Layunin ng istasyon na suportahan ang original Pinoy music na sinimulang lagdaan ng taong 2014

Sa ikaanim nitong taon sa industriya ng musikang Pilipino, patuloy ang pagsuporta ng Pinas FM sa lahat ng OPM artists mapa nasa mainstream music man o indie scene.

#LoveThrowback2 The Repeat sa PICC, matagumpay

Sabik ang mga manunuod na dumating sa PICC Plenary Hall noong May 27, 2017 sa ginanap na concert ng mga batikang OPM artist na talaga nga namang tinangkilik ng bawat Pilipino.

Inumpisahang awiting ni Jinky Vidal ang kanyang pinasikat na kanta na “So Slow” na talaga namang ninamnam ng bawat manunood.

Hindi napigilan ng mga kababaihan na kiligin sa pag awit nina Ariel Rivera at Christian Bautista habang ang mga ito ay bumaba pa ng entablado upang salubungin ang mga mapalad na manonood.

At talaga nga namang napasaya nina Joey G. at Hajji Alejandro ang mga manonood sa mumunti nilang banat at hirit habang nag tatanghal ang mga ito, at talagang napa sabay nilang kumanta ang mga manonood sa kailang handog na awitin.

Hindi naman nag pahuli sa ginanap na concert sina nina at Ariel Rivera.

Sino ba namang Pilipino ang nagmahal, nasaktan at bumangon para mag mahal muli ang di mapapasabay sa awiting “So Slow” ni Jinky Vidal, “Forevermore” ni Joey G., “Someday” ni Nina, “The Way You Look at Me” ni Christian Bautista at “May Minamahal” ni Hajji Alejandro, at ilan pa sa mga kantang kanilang pinasikat.

 

Juris, muling bumisita sa Pinas FM para sa kanyang latest single na “A Love to Last for a Lifetime”

Si Juris ay isa sa mga kinikilalang Precious Gem sa Philippine music industry.

Kilala si Juris sa pag-awit ng mga sentimental song at kakaiba niyang rendisyon ng mga kantang pinakasikat ng mga kilalang singer.

At ngayon, sa kaniyang pagbabalik muli sa recording scene, may bagong kanta na inihahandog si Juris sa ating lahat. Ang rendisyon niya ng kanta “A Love to Last for a Lifetime” na pinasikat ni Jose Marie Chan noong 80’S.

Ito ang sumunod niyang single pagkatapos ng rendisyon niya ng kantang “Will you Still Love Me Tomorrow”.

Mr. and Ms. Culture World 2017 coronation night, matagumpay

Matagumpay na naisagawa ang Mr. and Ms. Culture World 2017 na kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang kultura sa kanilang bansa, sining at iba.

Ang isinagawang kompetisyon na ito ay napakalaking tulong upang maipakilala pa natin ang kultura ng ating bansa na kung saan lalo pang makakatulong sa turismo.

PPP ng FDCP, nagdagdag ng awards

Iginiit ni film development council of the Philippines Chair Liza Diño sa presscon ng PPP na wala silang bibigyan ng acting awards sa awards night.

Pero nang magkaroon ng MOA signing ang FDCP, National Commission on Culture and Arts (NCAA), National Youth Commission (NYC), at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), may pagbabago sa rules ng PPP.

Hindi na lang audience choice awards ang ibibigay sa three films, may best actor at best actress category na rin. Dagdag na incentive ito sa mga artistang makakasama sa cast ng 10 movies.

Sa Agosto 16-22 na ang pista ng pelikulang Pilipino at sa Agosto 15, ang simultaneous premiere night sa lahat ng rehiyon ng bansa. For seven days, puro pelikulang Pilipino ang ipalalabas sa buong bansa, walang foreign films at inaasahan nila na tatangkilikin ito ng movie­goers gaya ng pagsuporta nila sa CINEMALAYA, MMFF at iba pang film festival.