90’s Canadian pop-rock band na “The Moffatts,” balik bansa para sa kanilang farewell tour concert

Ang mga kantang “Miss You Like Crazy”, “I’ll Be There For You”, “If Life So Short”, “Girls Of My Dream” at marami pang iba. Ilan lamang yan sa mga kantang napasikat ng Canadian pop-rock band na “The Moffats.”

Nagbabalik bansa ang tatlo para sa kanilang “Farewell Tour” na gaganapin sa Araneta Colliseum sa February 18 sa ganap na ika-anim ng gabi.

Taong 1998 ang huling pagtatanghal ng The Moffats sa bansa, and after 16 years ang mga magkakapatid na Scott, Clint, at Bob ay talagang na-miss nila ang Pilipinas. malaki nga raw ang kaibahan ng kanilang  Filipino fans kung ikukumpara sa ibang mga bansa na kanilang napagtanghalan.

(Visited 56 times, 1 visits today)