Allen Dizon, nag-aral ng sign language para sa bagong pelikula

Pinagbibidahan ito ng award winning actor na si Allen Dizon at aminado siya ito ang pinaka-challenging na role ang gagampanan niya. First time niyang gaganap bilang pipi na nagta-trabaho sa isang funeraria.

Nag-pictorial na ang isa na namang makabagbag-damdaming indie film na pinamagatang “Bomba o The Bomb” mula sa panulat at direksyon ng internationally acclaimed director na si Ralston Jover.

Kuwento ng kahirapan ang tinutumbok ng pelikulang ito. Sumasalamin sa mga totoong kaganapan at pangyayari sa kasalukuyang panahon.

Iba’t-ibang mukha ng kahirapan at ang mga ginagawa ng ating mga kababayan upang mabuhay at may makain sa araw-araw.

(Visited 66 times, 1 visits today)