Michael Pangilinan, may bagong kanta na “Tayo Na Lang”

Punong- puno ng sigla  ang pagbabalik ni Michael Pangilinan sa Pinas FM dala ang kaniyang panibagong single.

Ang kantang “Tayo Na Lang” ang bagong awitin ngayon ni Michael Pangilinan matapos ang nauna niya na “Hanggang Kailan.”

Ito ay mula sa komposisyon ni Jonathan Manalo na mula pa rin sa pangalawang album ni Michael Pangilinan.

Ang kantang ito ni Michael Pangilinan ay tungkol sa isang tao na umaasa na maging sila ng taong may minamahal ng iba.

Kaya sa kantang ito ni Michael Pangilinan ay tiyak na madami ang makaka-relate.

Sam Milby, may bagong album na “Sam: 12” sa kaniyang 12 years sa showbiz

Masaya ang pagbabalik at pagbisitang muli ng Fil-Am actor and singer na si Sam Milby sa Pinas FM.

Ito ay upang i-anunsyo ang kaniyang bagong album mula sa Star Music and after 6 years mula ng kaniyang previous album nang taong 2012.

Ang carrier single ng kaniyang album ay “Who’s That Girl?” na mula sa panulat ni Gabriel Tagadtad.

12 years na sa show business si Sam AT dito hinugot ang titulo ng kaniyang album na Sam: 12.

Ang pangunahing inspirasyon niya umano rito ay ang kaniyang fans.

Patuloy rin ang pagpapasalamat ni SAM sa Pinas FM hindi lamang dahil sa pagpapatugtog ng kaniyang kanta maging sa tuloy-tuloy nitong pagsuporta sa OPM.

Nakalabas na ang “Sam: 12” album sa mga record bar nationwide at iba pang music stores online.

“Way of the Cross,” unang pelikula ng Filipino-American actor na si Anthony “TBOY” Diaz V. sa Pilipinas

Sa kauna-unahang pagkakataon gumawa ng pelikula sa Pilipinas ang Filipino-American actor at producer na si Anthony “TBOY” Diaz V. at ito ang suspense-thriller international movie na “Way of the Cross” na pinagbibidahan niya.

Marami raw siyang nadiskubre sa paggawa ng pelikula dito sa bansa, na iba sa nakagawian at nakasanayang sistema ng kaniyang film-making sa Hollywood.

Kinabibilangan nina Alvin Anson, Rafael Rossel, Roxanne Barcelo, Daiana Meneses, Isay Alvarez at iba pang mga Filipino artist ang pelikula.

English ang gagamiting lengwahe sa pelikula, kaya ganun na rin ang kanilang mga paghahanda bago pa lamang magsimula ang shooting ng pelikula.

BG Production International, nagkaroon ng thanksgiving presscon sa karangalang natanggap

Pagkauwi na pagkauwi pa lamang ay agad nang nagpatawag ng presscon ang BG Production Inetrnational sa pangunguna ni Ms. Baby Go at ng line producer nito na si Dennis Evangelista.

Ang naturang presscon ay thanksgiving ng BG sa pagwawagi ng mga artista at maging ng pelikula nila sa ibang bansa. kakaiba talaga ng mga pelikula ng bg dahil walang tigil si Ms. Baby Go sa paghakot ng mga award mula sa mga Local Award Giving Body at International Film Fest.

Queen of Soul “Jaya”, sasabak sa hindi nakagawiang konsiyerto

Sa pambihirang pagkakataon susubukan ni Jaya ang iba’t- ibang istilo at genre ng musika sa kanyang nalalapit na concert na “No Boundaries,” na gaganapin sa Music Museum sa May 12.

Bukod sa kanyang genre na jazz nais din niyang subukan ang pop, rock, rap, RNB at maging ang classical music.

Bakas ang kanyang excitement sa kanyang pagbabalik entablado mula noong huli niyang concert noong 2014. At puspusan na ang paghahanda ng Soul Diva para sa kanyang nalalapit concert sa nalalapit na May 12.

Pagkatapos ng concert ay magiging abala naman daw siya sa kaniyang full lenght album na ang kantang sinulat ni Yeng Constantino para sa kaniya na “Kasalanan” ang magiging carrier single.

Benefit concert para sa mga katutubong Manobo na nasalanta ng kalamidad, matagumpay na isinagawa

Upang makatulong sa mga katutubong Manobo na nasalanta ng kalamidad nitong nagdaang Enero isang benefit concert ang kanilang isinagawa.

Sa tema ng concert na “I Support the Manobo’s of Caraga” layun nito na matulungan ang mga Manobo na nabiktima ng kalamidad upang muling makabangon sa buhay.

Dumalo rin sa nasabing benefit concert ang ilang mga kinatawan ng ahensya ng pamahalaan sa sumusuporta rin sa isinagawang benefit concert.

Nagsama-sama ang mga song artist sa nasabing benefit concert at nakiisa sila upang matulungan ang mga nangangailangang katutubong Manobo sa Caraga region.

Jed’s Island Resort

Dahil summer na naman mga abay, dadalhin namin kayo sa isang lugar kung saan tiyak na magbibigay saya sa mga pupunta dito. Ito ay walang iba kundi sa Jed’s Island Resort.

Ang Jed’s Island Resort ay matatagpuan sa Calumpit, Bulacan. Kung nais ninyong mag-enjoy kasama ang inyong mga kaibigan o pamilya mayroong iba’t-ibang activities na puwedeng gawin sa lugar na ito.

Ilan sa ipinamamalaki ng resort na ay ang mga pool waves, slides, maaari din mangisda sa kanilang man made fishing lagoon at pinakabagong attraction ay ang bubble bath party.

Bukod sa mga nabanggit na activities, mayroon din iba’t-ibang characters katulad ni Hulk, Captain America at iba pa ang tiyak na katutuwaan ng mga bata upang magpakuha ng larawan.

 

Luck at First Sight, unang pelikula na pinagsamahan nina Jericho Rosales at Bela Padilla

Pinagtambal sa kauna-unahang pagkakataon ng Viva films at N2 productions ang asian drama king na si Jericho Rosales at ang primetime TV gem na si Bela Padilla sa isang produksyon ng multi-awarded director na si Bb. Joyce Bernal.

Ang pelikulang “Luck at First Sight” ay mula sa direksyon ng batikang director na si Dan Villegas.

Sa pelikula, gagampanan ni Echo ang karakter ni “Joma Labayen”, isang down-on-his-luck guy na naniniwala sa isang “life charm” ang magbibigay ng kulay sa mga pangkaraniwang kaganapan sa kaniyang buhay.

Aksidente niyang makikilala si “Diane dela Cruz” na ginagampanan ni Bela na magiging ugat ng pinakamatinding desisyon sa kanyang buhay.