Musical show na “Beautiful Sunday,” mapapanuod na tuwing Linggo

Ang naturang musical show ay pinamagatang “Beautiful Sunday” na isang oras na mapapanuod tuwing Linggo.

Pumirma na ng kontrata ang original jukebox queen na si Ms. Imelda Papin sa Eagle Broadcasting Corporation o EBC para sa musical variety show na ginagawa nila.

Makakasama rin ni imelda sa “Beautiful Sunday” ang jukebox king na si Victor Wood.

Lumad film na “Tu Pug Imatuy (The Right To Kill),” humakot ng anim na awards

Ginanap ang awarding ceremony ng araw ng Linggo, March 12 ng Sinag Maynila Independent Film Festival sa the Samsung hall ng SM Aura.

Umiiyak na tinanggap ni Raymond “RS” Francisco ang kaniyang first best actor award sa katatapos lamang na 3rd edition ng naturang film festival na pinangungunahan ni William Tieng bilang CEO at ng film festival director nito na si Brillante Mendoza.

At katulad ni R-S ng pelikulang Bhoy Intsik ni Joel Lamangan ay wagi rin si Kristoffer King ng pelikulang “Kristo” para sa best actor category. tinanggap ng director nito na si HF Yambao ang awards dahil hindi nakarating ang actor.

Indie film na “Bhoy Intsik” mapapanood na sa mga sinehan ngayong Marso

Isa nanamang pelikula sa direksyon ni Joel Lamangan ang ihahandog ng Frontrow Entertainment na pinamagatang “Bhoy Intsik.”

Ang Indie film na ito ay isa sa 5 finalists ng Sinag Maynila 2017 Indie Film Festival.

Ang istorya ng pelikula ay tungkol sa dalawang small time criminal na nagtagpo ang landas na nagkakaroon ng di pagkakasundo lalo na sa illegal nilang hanapbuhay na ginagawa sa komunidad ng mga residente sa sementeryo at sa bandang huli ay magiging mag kaalyansa din ang dalawa.

Ayon sa mga cast at direktor nagkaroon din sila ng adjustment dahil sa kanilang gaganapan na role sa movie nagkaroon din umano sila ng pag-aadjust kanilang naging shooting location.

Walang Take Two, pinarangalan sa NCCA Ani ng Dangal 2017

Pinarangalan sa isinagawang Ani ng Dangal 2017 ng National Comission for Culture and Arts ang 72 artists at ang kanilang mga obra mula sa ibat ibang fields ng arts—36 ang sa sinema cinema, 16 for dance, isa para sa dramatic arts, isa sa literary arts, walo para sa music, at  10 naman para sa visual arts.

Nakatanggap muli ng award ang Walang Take Two na indie film ng INCinema bilang best film.

Abot abot muli ang pagpapasalamat ng direktor nito na si Direk Carlo Cuevas dahil sa muli nanamang nakatanggap ng award ang Walang Take Two.

 

Global Youth Summit sa Pilipinas, matagumpay

Ginanap ang Global Youth Summit sa Mall of Asia Arena nitong Biyernes (March 3), ang konklusyon ng isinagawang Global Peace Convention ng Global Peace Foundation – Philippines.

Ang Global Peace Foundation o GPF ay isang international non-sectarian, non-profit organization sa mundo na may adbokasiya ng sustainable peace o pagkakaisa.

Kauna-unahang horror movie ng Regal Films ngayong taon, mapapanuod na sa March 8

Isang horror film ang bagong handog ngayon ng Regal Films sa mga Pinoy movie goers. Ang pelikulang “Pwera Usog” na pinagbibidahan nina Sofia Andres, Joseph Marco, Devon Seron, Kiko Estrada, Albie Casiño at ang bagong dagdag sa roasters ng mga Regal babies ni Mother Lily Monteverde na si Cherise Castro.

Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Jason Paul Laxamana.

Kilala ang Regal Films sa mga horror film na naproduced nito at naipakilala sa sa mga nakaraang panahon kaya ganun na lang ang excitement at kagalakan ng mga lead cast ng bagong horror film na sila ang bibida sa isang obra nito.

Farewell tour concert ng the Moffatts sa PHL, matagumpay!

Naging matagumpay ang The Moffatts’ Farewell Tour Concert, na nakapagtala pa rin ng malaking bilang ng Pinoy fans.

Tulad ng inaasahan kinanta ng Canadian Boy Band ang kanilang  mga naging hits na “I’ll Be There For You” , “Miss You Like Crazy,” “If Life Is So Short,” at “Girl Of My Dreams.”

Hindi nga magkamayaw sa tuwa ang kanilang fans nang magsimula nang mag-perform on stage ang The Moffatts.

BoybandPH, ibinalita ang kanilang debut album

Masaya ang pakiramdam ng limang bagong artists ng ating bansa. Ang newly formed boy group na “BoybandPH” dahil sa paglunsad ng kanilang unang album under Star Music.

Masasabi talaga nila as an individual na talagang na-aachieve na nila unti-unti ang kanilang mga pangarap.

TOFARM, may dalawang malalaking proyekto ngayong 2017

Magkakasunod na malalaking proyekto ang inilunsad ng TOFARM ni Dr. Milagros How, ang Chief Advocate nito para sa mga magsasaka.

Bukod kasi sa TOFARM Film Festival na nasa pangalawang taon na, meron na ring songwriting competition kung saan ipinakilala na ang sampung finalists na maglalaban sa finals night nito sa April 9 na gaganapin sa Samsung Hall ng Sm Aura Premier.