“Balatkayo” tampok ang mga OFW ng bansa

Bago pa man magsimula ang birthday party ng tinaguriang “Queen of Independent Film” na si Ms. Baby Go ay nagkaroon ng presscon para sa kaniyang pang labingdalawang pelikula. Ito ang “Balatkayo”.

Isa itong OFW drama film na pagbibidahan nina Aiko Melendez, Polo Ravales, Nathalie Hart at Rico Barrera. Kasama ang baguhang aktor na si James Robert.

Ito ay mula sa panulat ni Direk Jason Paul Laxamana.

Sa direksyon ng beteranong direktor na si Direk Neal “Buboy” Tan.

Sa pelikulang “Balatkayo” ay tumatalakay sa buhay ng mga OFW.

(Visited 86 times, 1 visits today)