Handang handa na ang pinoy boy group na ‘Clique5″ at ang girl group na “Belladonnas” sa kanilang pagsasanib pwersa para sa isang konsiyerto ngayong Pebrero.

Ayon sa kanila nakaraang taon pa nang sinismulang nila ang paghahanda dahil nais umano nilang makapagbigay ng makabuluhan performances sa kanilang mga tagahanga.

Ayon din sa grupong “Clique5” mas matindi din diumano ang ginagawa nila tuwing rehearsals at training ngayon kumpara nung gawin nila ang kanilang kauna-unahang concert last February 2018 sa Music Museum.

First time man na tutuntong sila sa entablado ng isang major concert ay halo-halong emotions naman ang nararamdaman ng girl group na “Belladonnas”. Special guests naman nila sa naturang concert sina Ana ramsey, CK at Zeus Collins ng Hashtags at si Kyline Alcantara.

Bilang mga kabataan, nagpapasalamat din sila dahil unti-unti na nilang nakakamit ang kanilang mga pangarap sa kanilang career.

Ang “This Is Me” concert ay mula sa direksyon ni Robin Obispo” at gaganapin sa Skydome, North Edsa sa Feb. 23. At pagkatapos umano ng kanilang concert ay ang “KODEP” naman na isang advocacy ang kanilang pagkakaabalahan na sa ngayon ay nasa final-edit na. Bukod sa concerts at pelikula, busy na din ang dalawang grupo sa recording para sa kani-kanilang mga single.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.