Isang drug-free Philippines ang pangarap ni PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa sa bansa. Kaya’t iba’t- ibang mga aktibidad para rito ang inilulunsad ng kanilang partner na organisasyon at NGO’s para makatulong na makalikom ng pondo para sa pagsuporta dito tulad ng karagdagang na pinapatayong mga rehabilitation centers sa bansa, mga gamit, gamot at iba pang mga pangangailangan.

Kaya sa tulong ng iba’t-ibang business company s at pakikipagtulungan ng Fullhouse Asia Productions ay inorganisa ang Bato golf cup 2017. Ito ang kauna-unahang paglunsad nito na ginanap sa Mt. Malirayat golf and country club na nasa Lipa, Batangas.

(Visited 62 times, 1 visits today)