Guji Lorenzana, napanuod muli sa “Rediscover Concert”

Ang “Rediscover Concert” na binubuo nina Guji Lorenzana, Marq Dollentes, Jane Joseph at Steven Ofori.

Nagbabalik sa pagkanta ang singer-aktor at host na si Guji.

Hindi na bago sa pagpe-perform onstage at sa pagkanta si Guji dahil dito siya nagsimula at binabalikan lang niya ang talento sa pagkanta.

Bukod sa concert, isang music album din ang pinagkaka-abalahan ngayon ng aktor na mas magpapatingkad pa sa kanyang music career.

Sa concert, kinanta nila ang iba’t ibang mga classical songs at mga rendisyon nila ng maraming opm songs.

Ginanap ang dalawang gabi ng “Rediscover Concert” ng apat sa music hall ng Metrowalk, Ortigas.

(Visited 25 times, 1 visits today)