Isang millennial barkada movie ang pinakabagong handog ngayon ng Regal Entertainment.

Millennial version ito ng iconic movie na “Pare Ko” ng taong 1994 na idinirek din ni Jose Javier Reyes.

Binubuo ang cast nito nina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan at Jerome Ponce.

Ang pag-asa nila ay may bago na namang susuportahan ang mga kabataan dahil ito ay pelikulang sumasalamin ng kanilang concerns, attitude, mindset, paniniwala, lovelife at saloobin na bunga ng kanilang panahon at ang nagbabagong lipunang kanilang ginagalawan.

Nagbahagi din ang mga teen girl cast ng pelikula na sina Jane De Leon, Kisses Delavin, Devon Seron at Sophia Senoron, na bilang isang kabataan kung paano ba nila hinaharap ang iba’t ibang mga challenges at problema na dumarating sa kanila.

Isang guro sa College of St. Benilde ang si Direk Jose Javier Reyes at mula pa lang sa kanilang mga estudyante, marami nang kuwentong kapupulutan ng interes at aral. Ang pelikula ay sinulat ng kanyang 19 years old na estudyante na si Mark Gerald Foliente.

Mapapanuod na ang pelikula sa June 27 sa mga sinehan nationwide.

 

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.