Jason Dy at Malaysian artist Fazura, nagkaroon ng collaboration song na “Nothing Like Pag-Ibig”

Panibagong kanta ang handog sa atin ng The Voice Season 2 grand winner na si Jason Dy.

Pero this time ka-collaborate niya ang Malaysian star na si Fazura.

Ang “Nothing Like Pag-Ibig” na mula sa panulat ng award winning hitmaker at song-writer na si Jungee Marcelo.

Si Fazura ay kilalang actress, model at tv host sa Malaysia. Last November pa nang irecord nila ni Jason ang kanta. At first time niya na magkaroon ng collaboration sa isang filipino artist.

Ang magandang duet love song na ito ay nagpapakita lamang ng dalawang bansang magkaiba ng kultura, lengwahe at paniniwala ay nagkakaisa sa pamamagitan ng musika.

Ayon kay Jason, hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng mga nagaganap sa kaniyang career ngayon sa music industry.

At nagpapasalamat siya sa lahat ng mga naging pundasyon niya upang matupad  ang kaniyang mga pangarap.

Maliban sa latest single ni Jason, napakarami pang dapat abangan aniya sa kaniya sa mga susunod pang araw.

Naka-out na ang “nothing like pag-ibig” nina Jason at Fazura sa mga digital platform at music store online.

 

 

 

 

(Visited 24 times, 1 visits today)