Bibida sa pelikula sa unang pagkakataon sina JM De Guzman at Rhian Ramos. At ayon sa kanila. Ang mga ginagampanang karakter nila sa pelikula ay kabaliktaran ng isa’t-isa.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Direk Joel Ruiz.

Masaya naman si JM dahil sa magandang pagtanggap muli ng industriya sa kaniyang pagbabalik matapos ang maraming pagkakamali sa kanyang buhay.

Puring-puri nila ang isa’t isa kahit ngayon lang sila nagkasama sa isang proyekto. Mabilis aniya silang naging kumportable sa isa’t-isa.

Sa pelikula, mayroong cognitive disorder characterized o madaling makalimot ng mukha ang ginagampanan ni JM. Kaya naman kung sa totoong buhay man, kung may ganitong kalagayan ang ating mahal sa buhay ay dobleng pang-unawa ang dapat umanong ibigay sa kanila.

Nagpapasalamat naman ang dalawa sa takbo ng mga pelikulang Pilipino sa kasalukuyan.

Ito na din ang huling proyekto at pelikula na ginawa ni Rhian dahil pansamanta muna siyang mangingibang-bayan upang mag-aral sa New York ng “Improvisation”. Nais niya umanong mas lalo pang mahasa ang kanyang skills sa pag-arte.

Mapapanuod na ang “Kung Paano Siya Nawala” sa mga sinehan nationwide simula sa Nobyembre 14.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.