Kauna-unahang horror movie ng Regal Films ngayong taon, mapapanuod na sa March 8

Isang horror film ang bagong handog ngayon ng Regal Films sa mga Pinoy movie goers. Ang pelikulang “Pwera Usog” na pinagbibidahan nina Sofia Andres, Joseph Marco, Devon Seron, Kiko Estrada, Albie Casiño at ang bagong dagdag sa roasters ng mga Regal babies ni Mother Lily Monteverde na si Cherise Castro.

Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Jason Paul Laxamana.

Kilala ang Regal Films sa mga horror film na naproduced nito at naipakilala sa sa mga nakaraang panahon kaya ganun na lang ang excitement at kagalakan ng mga lead cast ng bagong horror film na sila ang bibida sa isang obra nito.

(Visited 52 times, 1 visits today)