Mr. and Ms. Face and Body 2017, nagsimula na; grand finals, gaganapin sa April 9

Unang sabak pa lang sa rampahan, nagpakitang gilas na ang mga kalahok sa Mr. and Ms. Face and Body pageant competition.

Suot ang kanilang mga formal wear, kasama ang iba’t ibang accesories ay nagpakitang gilas sa pagrampa ang labinglimang mga kalalakihan para sa Mr. Face and Body 2017 at labing lima ding mga kababaihan para naman sa Ms. Face and Body 2017.

Ang iba sa kanila ay first time ang ilan naman ay ilang beses na sumasali sa marami na ding mga beauty pageant.

(Visited 109 times, 1 visits today)