News anchor Onin Miranda, pinarangalan bilang most promising broadcaster for TV and radio

Muling nagbigay ng pagkilala ang gawad Sulo Foundation para sa mga natatanging organisasyon at indibidwal.

Kabilang sa mga pinarangalan ng prestigious seal awards ang kasama natin sa Eagle Broadcasting Corporation na si Onin Miranda bilang most promising broadcaster for tv and radio.

Ito na ang ika-apat na taon ng gawad Sulo Foundation awards sa pagbibigay ng pagkilala sa mga natatanging organisasyon at indibidwal mula sa iba’t-ibang larangan tulad ng business, education, entertainment at mass media. Na nagpakita ng dedikasyon upang magsilbing ilaw sa lipunan.

Ginanap ang awards night sa tanghalang pasigueno sa lungsod ng Pasig.

(Visited 78 times, 1 visits today)