Bida ang superstar na si Nora Aunor sa pelikulang “Kabisera,” isa sa Magic 8 films ng Metro Manila film festival ngayong taon.

Taong 2015 pa ay isinubmit na ang pelikula sa MMFF subalit hindi ito pinalad na makapasok at ayon sa producer at isa rin sa mga actor ng Kabisera na si RJ Agustin, perfect timing siguro ang taong ito na simula na rin ang pagbabago sa prestihoyosong film festival ng bansa.

Hinango sa tunay na mga pangyayari, iniaalay umano ng mga bumubuo ng “Kabisera” ang pelikulang ito sa pamilyang Pilipino, na kilala sa buong mundo na sa pagiging mapagmahal sa pamilya.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.