Dumaan man sa ibat-ibang kontrobersiya, batuhin man ng kabi-kabilang mga puna, lait at batikos, ang Philippine National Police o PNP nananatili at tuloy-tuloy lang sa pagsisilbi sa bayan.

Patunay dito ang sunod-sunod na pagresponde laban sa ibat-ibang uri ng krimen partikular na ang serye ng illegal drug operations.

Alam naman natin na mas nakararami ang pabor dito dahil nakita natin ang malaking pagbabago bagaman walang takot pa rin ang ibang mga personalidad sa pagpapakalat ng droga.

Sa aminin man o hindi ay napakaraming kababayan natin ang nakikinabang dahil na rin napipigilan ang iligal na droga na nagsisilbing salot sa lipunan.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.