Itinataguyod ng magkapatid na sina Rachel Alejandro at Chef Barni Alejandro-Rennebeck na kilala bilang “The Sexy Chef” ang tamang healthy diet lifestyle. Kaya naman inilunsad nila ang libro na may pamagat na “21 Days to a Sexier You”.

Sa aklat na ito ay ibinahagi ni Rachel ang iba’t ibang tips at dapat na maging habits para ma-achieve ang ideal weight habang si Barni ay nagbahagi ng easy at weight-loss healthy recipes. Lalo na ang pangunahing kinahihiligan ng mga Pinoy ay ang pagkain.

Mahalaga para kay Rachel ang maganda at malusog na pangangatawan lalo na sa ginagalawan niyang karera sa show business.

Isa pa sa ipinakilala ng magkapatid ay ang bagong labas nilang healthy at low-carb ice cream na si Chef Barni pa mismo ang nagtimpla.

Inihayag din ng magkapatid na ang kanilang mommy na si Chef Myrna Demauro ang kanilang mentor at idolo sa lalo na sa pagluluto na masusustasiya at healthy na mga pagkain.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.