Ronnie Alonte, sunod sunod ang mga project sa kanyang career

Hindi pa rin makapaniwala ang baguhang aktor-singer at Hashtags member na si Ronnie Alonte sa mga nagaganap sa kaniyang career ngayon sa show business.

Bukod kasi sa kaniyang debut single na “Love At Website” ay magkakaroon din ng solo concert ang binata na may titulong  “hashtag kiligking (#kiligking)”  na gaganapin sa December 17 sa kia theater.

Bukod sa kaniyang debut single at concert..  mayroon ding dalawang pelikulang pasok sa Metro Manila Film Festival 2016 si Ronnie…  ang “Kath, Vince and James” ng Star Cinema at ang pelikualng “Seklusyon” ng Reality Entertainment.

Bagamat kabi-kabila ang proyekto ngayon ni Ronnie, sinisikap daw nitong magkaroon pa rin ng oras para sa lahat ng trabaho ng hashtags at hinding hindi niya ito iiwan na ngayon ay isang taon na  mula nang mailunsad ang male group.

Inspirasyon niya umano ang kaniyang mga tagasuporta na patuloy na nagmamahal sa kanya.

Nakalabas na ang debut single ni Ronnie sa mga digital platforms online.

Available na rin ang ticket para sa kaniyang concert sa mga trusted ticket outlet online.

(Visited 193 times, 1 visits today)