Isa si Martin V. sa fast-rising teen star ng bansa. At bukod sa pag-arte nais din ni Martin na makilala bilang isang singer.

Kaya nang inilabas niya ang kaniyang debut single na may titulong “My One and Lodi” ay ganun na lang ang kanyang pagpapasalamat dahil napatunayan niya umano sa kanyang sarili na kaya niya.

Kung may mga dapat daw siya na pasalamatan ay ito ang kaniyang mga fans dahil patuloy ang pagsuporta ng mga ito sa kaniya simula pa nang una.

Bilang isang artists, marami nang nakamit si Martin sa industriya at hiling pa niya umano na marami pang dumating na proyekto sa kanya upang mas lalo pang mahasa ang kanyang talento lalo na sa pagkanta.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.