Matapos ang pitong taong pamamahinga sa recording, nagbabalik si Vina Morales upang ipagdiwang ang ika-30 taon niya sa showbiz sa pamamagitan ng isang bagong album na pinamagatang “Vina XXX.”

Ayon sa singer-actress, ang “Vina XXX” ay paraan niya ng pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang mga proyekto.

Nakapaloob sa album ang pitong original tracks kasama ang kanilang minus one versions, kabilang na ang “Eres Mio” na isinulat ni Rox Santos at siyang latest single niya ngayon, at “Laro” ni Edwin Marollano. Kasama din dito ang isang revival song, “Lagay ng Puso” nina Raizo Chabeldin at Rox Santos, na unang pinasikat ni Bryan Termulo at ginawang first single din ng album.

Kasama din sa album ang mother-daughter duet na “Pag-ibig Na Walang Hangganan,” na isinulat ni Jungee Marcelo at inawit ni Vina kasama ang kaniyang anak na si Ceana.

Ganap ang pagpapasalamat ni Vina sa mga magagandang proyekto ng dumarating sa kanyang career sa show business.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.