Handa na ang aktor na si Albie Casiño na tanggapin ang iba’t ibang roles na inaalok sa kanya.

Sa katunayan, sobrang nagpapasalamat ang aktor dahil hindi siya nababakante sa mga proyekto mapa- TV man o sa pelikula.

At sa ngayon nga abala si Albie sa shooting ng kaniyang pelikula na “Isa Pang Bahaghari” at kung saan kasama nya ang mga kinikilalang haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino na sina Michael de Mesa, Philip Salvador at ang superstar na si Ms. Nora Aunor.

Ayon sa aktor, pinagsisikapan niyang mabuti ang kaniyang trabaho kaya patuloy ang pagdating ng magagandang proyekto sa kaniyang career.

Kung papalarin, maaaring makasama sa magic 8 ng Metro Manila Film Festival o MMFF 2019 ang ‘Isa Pang Bahaghari’.

Sa ngayon, apat na lamang ang kailangan para mabuo ang magic 8 sa taunang film festival.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.