Nagbabalik pelikula ngayon ang aktres na si Andi Eigenmann para sa kanyang upcoming movie na The Maid in London.

Paglilinaw ng aktres, hindi niya tinatalikuran ang pag-aartista at nagiging mapili lang umano siya sa mga gagawing proyekto. Binigyan lang niya ng break ang sarili para gawin ang mga bagay na kanyang gustong gawin.

Nakabase na ngayon sa Baler, Aurora si Eigenmann ngunit handa aniya siyang bumalik sa Maynila kung may proyektong gagawin.

Sa pelikula, gagampanan ng aktres ang isang ina at Overseas Filipino Worker (OFW). Ito ay base sa isang totoong kuwento at nailtlhala ni bl panganiban sa libro nitong “Tago ng Tago.”

Ayon kay Andi, marami aniya siyang na-realize pagkatapos na gawin ang pelikula. dahil ipapakita ng pelikula ang totoong dinaranas ng mga itinuturing nating bagong bayani ng kasalukuyang panahon.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.