Ipapalabas na sa August 1 ang pelikulang Buy Bust na pinagbibidahan nina Anne Curtis at ng Fil-Am MMA champion na si Brandon Vera sa ilalim ng direksyon ni Erik Matti. Dalawang taon na ginawa ang pelikula na prinodyus ng Viva Films at Reality Entertainment.

Ayon kay Anne na ngayon ay nagdiriwang ng kaniyang anibersaryo sa showbiz industry, ang Buy Bust ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya sa buong career niya bilang artista.

Aminado si Anne na talagang buwis-buhay ang mga eksena niya sa pelikula.

Kilala si Anne na mahusay sa drama, at ang forte niya ay romantic comedy, kaya marami ang nagulat nang tanggapin niya ang karakter na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.