Pagkatapos ng kanyang laban sa isang malaking singing contest sa bansa para sa mga celebrities na katulad nya.

Nagpapatuloy na ang singer na si Apple Chiu sa pagtataguyod ng kaniyang singing career.

Si Apple ay kasalukuyang host ng music variety show na Letters And Music ng NET 25.

Dahil pansamantalang natigil sa pagiging singer at nag-focus sa hosting, aminado rin si Apple na labis niyang na-miss ang pagkanta.

At sa kasalukuyan ay mina-manage na siya ng magaling na singer din, songwriter at close friend niya sa si Miguel Mendoza.

Naghahanda na rin si Apple para sa kantang kaniyang ire-release sa 1st quarter ng susunod na taon.

Patuloy naman ang pagpapasalamat ni Apple sa magagandang komento na kanyang natatanggap mula sa netizens gayundin sa kanyang fans sa patuloy na pagsuporta sa kaniya simula pa ng una.

 

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.