Sa kauna-unahang pagkakataon inilabas na ang bagong single ng bagong Pinoy pop group na SB19 ang “Go Up”.

Ang SB19 ang unang grupo na inspired by Korean looks pero pinoy na Pinoy ang kanilang performances.

Ito ang pangalawang single ng grupo pagkatapos ng “Tilaluha” na kung saan agad itong pumatok sa kanilang mga fans at sa mga Pilipino.

Ang grupo ang tinitrain ng isang Korean music management na kung saan may halong Pinoy songs at KPop performances ang kanilang mga ginagawang kanta.

Ngunit sa kabila ng isang Korean company ang nag-managed sa kanila ay nais ng grupo na mas lalong mangibabaw at maipakita sa pinoy ang ating kultura na tiyak na ikagagalak ng marami.

Nagpapasalamat din sila sa sumuporta sa kanila mula ng kanilang pagsisimula hanggang sa kasakuluyan.

Asahan na raw na mas lalo pang magiging maganda ang kanilang mga paparating na music projects.

 

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.