Muli na namang aarangkada ang musical na “Binondo, A Tsinoy Musical” sa mundo ng teatro sa ikalawang pagkakataon.

Matatandaan na na nagwagi ng anim na awards ang naturang musical sa Aliw Awards nuong 2018.

Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan at original story ni Rebecca Chuaunsu.

Kuwento ito ng pag-iibigan ng isang mainland Chinese scolar at isang Louge Pilipina singer, ang kanilang mga pinagdaanan upang mabuo ang isang masaya at maunlad na pamilya.

Over-whelming naman ang mga lead cast ng musical na sina Arman Ferrer, Shiela Valderrama-Martinez at Noel Rayos.

Isang karangalan umano na sila ang mapili upang patuloy na gampanan ang kanilang mga karakter sa Binondo: A Tsinoy Musical.

Gayundin ang pakiramdam ni Mariella Laurel na isa sa mga support cast ng naturang musical.

Eagle Broadcasting Corporation, patuloy ang pagsuporta sa mga adbokasiya ng “Original Pinoy Musical”

Lubusan namang nagpapasalamat ang produksyon ng Binondo, dahil sa patuloy na pagsuporta ng Eagle Broadcasting Corporation sa mga Orihinal na obra ng mga Pilipino.

Isa din kasi ang EBC sa mga media partners ng nasabing Tsinoy musical.

Bubuksan na simula sa July 12 sa ganap na alas otso ng gabi hanggang July 14 ang musical na mapapanuod sa The Theater at Solaire.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.