Muling nagbabalik sa big screen si dating optical media board chairman Ronnie Ricketts, inilunsad ngayong Pebrero ang kanyang Filipino action film na “Exit Point.”

Nagsama sama ang mga kilalang artista maging ang mga action stars noong dekada sisenta sa mga kilalang Filipino films na kinatampukan din ng mga Pinoy.

Sa pagbabalik ni Ronnie sa kanyang action film muli aniya syang natuwa dahil sa naging resulta ang finish product ng kanilang ginawang taping.

Sa pagkakataong ito si Ronnie din ang writer at director ng pelikula na kung saan kada eksena dito ay talagang pinag isipang mabuti.

Nakasama din ni Ronnie sa acting ay ang kanyang anak na si Raechelle bagamay first timer ay agad naman itong nakapag adjust sa kada eksena ng pelikula.

Labindalawang character ang dapat umanong abangan ng mga manonood dahil bawat isa sa mga ito ay magkakaroon ng may kabuluhang papel sa pag ikot ng storya sa pelikula.

Umaasa din ang buong cast na magiging daan na ang pelikula sa muling pagbabalik ng filipino action films sa big screen at muli itong makilala lalo na ng mga kabataan ngayon.

Nagpunta din sa premier night ang ilang mga kaibigan ni ronnie na nakasama nito sa mga action films noong 90’s days.

Suportado ng mga ito si Ronnie sa pagtataguyod na muling maibalik ang Filipino action films sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Nakatakda ng masaksihan ang pelikula sa lahat ng movie and theaters nationwide simula sa February 23, 2019.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.