Matagumpay ang kauna-unahang concert ng tinaguriang Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan.

Ginanap ang kaniyang first ever concert sa music museum noong Sabado, June 30.

Nagpapasalamat ang batang singer dahil sa mainit na pagtanggap ng kaniyang fans na tiyak na nag-enjoy sa kaniyang pagtatanghal.

Sa naturang concert, nagawa umano ni Janah na awitin ang kaniyang mga kanta mula sa kaniyang mga paboritong performs tulad nina Sarah Geronimo, KZ Tandingan, Sia at marami pang iba.

Inawit din ni Janah sa unang pagkakataon ang kaniyang 2nd single na may titulong “Mahal Na Kita” na siyang follow-up single mula sa una niyang ini-released na “Di Ko Na Kaya.”

Guest performers naman sa naturang concert ang 90’s boyband na Jeremiah, si JR Custodio, ang boy group na Upgrade at ang teen dancer-actor na si Bugoy Cariño.

Ayon kay Janah, palaging may mga bago siyang natutunan sa twuong siya ay nagtatanghal sa harapan ng maraming tao.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.