Dalawang mahalagang event para sa talented na recording artist na si Rayantha Leigh na ginanap last May 10. Una ay upang ipagdiwang ang 15th birthday ni Rayantha, at ang ikalawa ay para sa launching ng kanyang self-titled album mula Ivory Music & Video.

“Laging Ikaw” ang carrier single ng album niya at kasama rin dito ang Puro Papogi, ang “Tuksuhan” na ipinakilala nuon ni Lindsay Custodio at marami pang iba.

Simula pa nuong 2017 ay marami nang natanggap na awards si Rayantha, hindi lang dito sa ating bansa kundi maging hanggang sa mga internation award giving bodies. Katulad nga lamang ng “Young International Artist award” sa World Class Excellence Japan Award, Outstanding Asia Teen Performer award sa World Class Young Achiever sa Fukuoka at New Female Recording Artist of the Year sa PMPC Star Awards 2018.

Nagpasasalamat naman si Rayantha sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya.

Makakakuha ng copy ng album ni Rayantha sa kanyang mga mall shows at maaari nang idownload sa mga digital music platforms

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.