Patuloy ang pagpapasalamat ng singer at aktor na si Edgar Allan Guzman dahil sa mga magagandang proyekto na kaniyang nagawa sa taong 2019.

At sa pagpasok umano ng bagong taong thankful siya sa mabuting kalagayan ng kaniyang pamilya, personal niyang buhay at malusog na pangangatawan.

Looking forward din ang binata sa marami pang proyekto na naghihintay sa kanya.

Isa na nga rito ang opening salvo ng Philippine cinema na ‘Mia’ kung saan first time nyang nakatambal si Coleen Garcia.

Kuwento ni EA, para sa kanya, ang pinaka-challenging sa pelikula ay ang kaniyang mga eksena na may mahahaba at english na dialogue at maraming scientific terms dahil sa kaniyang role bilang isang scientist.

At first time rin daw niya na mag-motor para sa eksena. Mapapanuod na ang ‘Mia’ simula sa January 15 sa mga sinehan nationwide at mula sa direksyon ni Veronica Velasco.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.