Nagpapasalamat ngayon ang singer-comedienne na si Kitkat sa panibago na namang pagkilala na kanyang natanggap mula sa katatapos lamang na awarding ceremony ng Gawad Amerika.

Tinanggap ni Kitkat ang dalawang awards sa mga kategoryang “Most Outstanding Comedienne Actress in the Field of Humanitarian Services” at ‘Best Noontime Show Host’ para sa pagiging host niya sa ‘Happy Time’ ang bagong noontime show ng Net 25.

Lubos-lubos ang pagpapasalamat ng singer-comedienne dahil patuloy na pagtitiwala na ibinibigay sa kanya at katunayan nga nito ang mga ganitong awards na kanyang natatanggap.

Ipinapangako ni Kitkat na patuloy niyang ibibigay ang kanyang makakaya upang patuloy na makapagpasaya at makapag-ibigay inspirasyon  sa  maraming tao bilang host ng ‘Happy Time’.

Ang Gawad Amerika ay isang prestigious award giving body na nakabase sa Los Angeles. Nasa panglabingsiyam na taon na sila ng pamamahagi ng awards sa mga outstanding individual,grupo at mga kumpanya hindi lamang dito sa bansa kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.