Very thankful ngayon ang aktres na si Jane de Leon na pagkatiwalaan upang gampanan ang role ng Pinay super heroine na si ‘Darna’.

Sa ginanap na presscon para sa kanilang talent management na ‘TEAM’ sa pangunguna ni Tyronne James Escalante ay nagbigay ng update ang dalaga patungkol sa nasabing pelikula.

Excited na rin umano siya na ma-meet ang iba pang napiling cast para sa pelikula. Matapos na maipasa sa kaniya ang bato, kamakailan lamang daw ay nagkita at nagka-bonding na rin sila ni Liza Soberano gayundin ni Marian Rivera at nagbigay pa ng advice sa kaniya.

At looking forward din siya na makausap si Angel Locsin. Batid na din umano ni Jane at nabasa na niya ang storyline ng gagawin niyang ‘Darna’ movie at ayon sa kaniya more on millennial theme ang atake ng istorya nito.

Kampante naman at naniniwala si ang manager ni Jane na si Tyronne Escalante na magagampanang maayos ng dalaga ang karakter ng Pinay super heroine.

Kamakailan lamang ay nagdiwang 21’st birthday si Jane at handa na din umano siya sa pagpasok ng taong 2020.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.