Very thankful ang singer at award-winning Broadway at theater actress na si Joanna Ampil ang sunud-sunod na blessings na dumarating sa kaniya.

Para sa kaniya isang karangalan umano na pagkatiwalaan na umawit ng themesong ng isang MMFF 2019 entry.

Si Joanna kasi ang umawit ng official soundtrack ng pelikulang ‘Culion’ na may titulong ‘Kundimang Mahal’.

Matatandaan na si Joanna din ang itinanghal na best actress sa naturang film festival noong 2017.

Bukod dito gumanap na ‘Grizabella’ si Joanna sa 2019 International tour ng ‘Cats The Musical’ na labis niyang ipinagpapasalamat sa taong 2019.

Inspired sa mga totoong kaganapan sa bansa nuong 40’s, umiikot ang kwento ng ‘Culion’ sa isang isla sa Palawan na naging tahanan ng mga taong may Hansen’s Disease o mas kilala sa tawag na ketong.

Ito ay noong nasa kalagitnaan ng ikalawang digmaang pandaigdig o World War II at kung papaanong binago ng sakit ang kanilang buhay, pangarap at pag-ibig.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.