Nagbabalik muli sa pelikula si Lovi Poe matapos ang anim na buwan niyang bakasyon sa Amerika.

Ayon kay Lovi, namalagi siya sa Amerika nang ganung katagal para bigyan ng break ang sarili niya at makapamasyal na din.

Natuto umano sya na maging mas independent at doon na rin niya nakilala ang bagong nagpapasaya sa kaniya.

Sa pelikulang kaniyang ginawa sa Regal Films, nakasama niya at nakatambal si Joem Bascon. Kasama din ang miss world Philippines 2018 na si Laura Lehman.

Mula naman ito sa direksyon ni McArthur Alejandre at mapapanuod na simula sa November 13 sa mga sinehan nationwide.

Hindi lamang siya abala sa bagong pelikula dahil magiging busy muli siya sa ginagawang dalawa pang pelikula.

Bukod dito, naglabas din si Lovi ng bagong kanta na may titulong ‘Segundo’ na siya din ang nag-compose.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.