Inanunsyo ang pagsasapelikula ng isang Disaster Preparedness and Awareness Film na may titulong ‘Every Second Counts’.

Ito ay sa pangunguna nina Direk Neal ‘Buboy’ Tan at executive producer na si Mr. Jay-Ar Rosales at sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at iba pang mga ahensya ng gobyerno tulad ng MMDA, DOST, BFP, NDRRMC at DILG.

Nagsama-sama ang mga ahensyang ito ng gobyerno upang buuin at suportahan ang naturang pelikula.

Ito ang powerful medium umano para magbigay kamalayan sa publiko at magturo ng mga dapat na gawin at wastong kaalaman sa panahon na ng mga kalamidad lalo na sa tinutukoy na ‘The Big One’. Si Gabby Concepcion naman ang isa sa bibida sa naturang advocacy movie na nagsimula na ang shooting.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.