Inihahandog ng NET 25 ang kauna-unahang romantic drama series nito na ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’

Gagampanan ang dalawang lead roles ng ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’ nina Geoff Eigenmann at Ynna Asistio at ito ang kanilang unang pagtatambal on screen at sa telebisyon.

Kasama sa powerhouse cast nito sina Elizabeth Oropesa, Tanya Gomez, Richard Quan, Aj Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Arielle Roces, Jiro Custodio, at marami pang iba.

Mula sa kuwento at panulat ni Bing Castro Villanueva at mula naman sa patnugot ng director at writer na si Nestor Malgapo, Jr.

Lubos ang pagpapasalamat nina Geoff at Ynna sa pagtitiwalang ito na ibinigay sa kanila ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) upang magbida sa kauna-unahang drama series na bubuuin ng himpilan.

Nasa location set na ang buong production at nagsimula na ang lockdown taping ng ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’ habang sinusunod ang panuntunan ng pamahalaan ukol sa safety protocols.

Inaasahan na mapapanuod ang pilot episode ng ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’ dito sa NET 25 sa November 14, 2020, sa mga sumusunod na airing schedules: Saturday, 8:00 hanggang 9:00 ng gabi habang ang replay naman ay tuwing araw ng Linggo 5:30 PM hanggang 6:30 ng gabi.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.