Bibida sa pelikulang “Black Lipstic” ang teen singer-actress na si Kyline Alcantara, isa itong millennial version ng blockbuster movie ni Snooky na Blusang Itim noong 1986.

Isinagawa na ang look test at story conference ng pelikula.

Para kay Kyline, napakalaking challenge ito sa kanya bilang isang artista kaya determinado siya na kailangan niya itong pagbutihan lalo na’t ito ang kauna-unahan niyang lead role sa isang pelikula.

Iikot ang kwento ng Black Lipstick sa karakter ni Kyline na isang dalagang walang tiwala sa sarili, isang bullied teen woman dahil sa kakaiba niyang itsura bunga ng maselang sakit sa balat hanggang maipakaloob sa kanya ang black lipstick na magbabago sa buhay niya.

Boto naman ang beteranang aktres na si Snooky Serna sa personality ni Kyline na gampanan ang iconic role na kanyang ipinakilala nuon. Siya ang gaganap na ina ni Kyline sa pelikula.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.