Nagkaroon muli ng pagkakataon ang mga kababayan natin sa Bulacan na mapanood ang pelikulang “Guerrero” ng EBC Films.

Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang special screening ng EBC films sa isang mall sa Baliuag, Bulacan.

Dinaluhan ang nasabing special screening ng mga kababayan natin na ang karamihan ay mula sa naturang probinsya.

Present din ang lead cast ng Guerrero na sina Genesis Gomez, Joyselle Cabanlong at Julio Cesar Sabenorio, at ang award winning director nito na si Direk Carlo Ortega Cuevas.

Masaya namang tinanggap ng mga kababayan natin sa Bulacan ang pelikula at aminado sila na marami silang natutunan pagkatapos nila itong mapanuod.

Ang ginawang screening na ito ay paghahanda na rin para sa pagpapalabas ng pelikulang “Guerrero Dos: Tuloy Ang Laban” na ngayon ay nasa post-production na.

Kamakailan din, nagwagi ang “Guerrero” ng “Best Editing of a Foreign Language Film” sa katatapos lamang na Madrid International Film Festival at Los Angeles Independent Film Festival awards .

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.