Humakot ng award sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ang pelikulang “John Denver Trending”.

Bukod sa nakuha nito ang best film ay itinanghal din bilang Best Actor si Jansen Magpusao na siyang bida sa pelikula. nakuha rin ng naturang pelikula ang Netpac Award for Full-length Film, Best Cinematography, Best Editing, at Best Original Musical Score.

Itinanghal naman na best actress si Ruby Ruiz na gumanap bilang lola ng autistic na bata sa pelikulang “Iska”.

Samantala, itinanghal namang Best Supporting Actress si Ella Cruz para sa film entry na “Edward” at Best Supporting Actor naman si Ricky Davao.

Ginanap ang awarding nitong Linggo ng gabi sa Cultural Center of the Philippines o CCP.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.